Babaeng Joson, pantapat kay Umali

    531
    0
    SHARE
    QUEZON, Nueva Ecija – Nakahanda na ang Bagong Lakas ng Nueva Ecija (Balane), ang partidong pinangungunahan ng pamilyang Joson, upang harapin si Gov. Aurelio Umali sa darating na halalan sa pagka-gubernador.

    Ito ang nalantad matapos na pormal na ipahayag kamakailan ang plano ng partido na pinamumunuan ni Rep. Eduardo Nonato Joson (1st district) na ipantapat kay Umali si dating Rep. Josie Joson sa 2010 gubernatorial race.

    Si “Manang Josie,” anak ni dating Gapan City Mayor Basilio Joson, ay naging kinatawan ng unang disrito sa loob ng tatlong termino. Ang kanyang mister, dating Quezon Mayor at Vice Gov. Mariano Cristino Joson, ay nakalaban ni Umali noong nakaraang halalan.

    Ayon sa dating bise-gubernador, magiging kasama ni Joson ang kasalakuyang bise gubernador na si Edward Thomas Joson sa 2010 para sa reeleksiyon.

    Ang paghahayag ay ginawa sa isang panlalawigang pulong ng Balane na ginanap sa bayang ito, kung saan nagmula ang ama ng mga Joson na si yumaong dating Gob. Eduardo Joson.

    Samantala, hindi pa rin batid sa ngayon kung ano ang lalabanan ni dating Gob. Tomas Joson III matapos ang kanyang hipag ang ipantapat kay Umali.

    Wala pa namang pahayag ang kampo ni Umali hinggil sa bagay na ito.

    Ang Balane, itinatag noong 1986, ay kaalyado ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ni dating Amb. Eduardo Cojuangco.

    Noong 2007 election, kapwa nakapanig kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sina Umali, pinuno ng Lakas-CMD sa Nueva Ecija at Joson. Ito ay sa kabila ng magkalaban ang dalawang kampo sa eleksiyon.

    “Hindi na mangyayari ngayon ang ganun,” saad ng isang opisyal ng Balane. Mas lamang, ayon sa source, na ang mga Joson ay kumatig sa kandidatong pagka-pangulo na kalaban ni Arroyo kung iiindorso ng mananalo si Umali.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here