Home Headlines Babaeng centenarian tumanggap ng P100-K

Babaeng centenarian tumanggap ng P100-K

694
0
SHARE

Pagkilala at P100-K na tseke sa 100-taong-gulang na si Flora Legaspi. Kuha ni Ernie Esconde



SAMAL, Bataan
Isang babae sa bayang ito ang tumanggap noong Miyerkules ng P100,000 matapos umabot ang kaarawan sa isang daang taon.

Personal na iniabot ni Mayor Aida Macalinao kay Flora R. Legaspi ang tseke sa tahanan ng matanda sa Barangay East Daan Bago.

Kasama ng mayor sina Kamille Grace Cuenca, local youth development officer, at Josephine Pagaduan, head ng Office of Senior Citizens Affairs.

Ang matanda ay naka-wheelchair at hindi na nakakarinig. May hika ito at pulmonya. Tuwang-tuwa ito at nagpasalamat kay mayor sa iniabot na tseke na,aniya’y, malaking tulong sa kanya.

Tumanggap din ng pagkilala si Legaspi mula sa Department of Social Welfare and Development at sa municipal government bilang pagpupugay sa kanyang mga makasaysayang karanasan, mga dakilang nagawa at natatanging kontribusyon sa pagtataguyod ng ating lipunan bilang isang sentenaryo.”

Ang P100,000 ay ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD bilang pag-alinsunod sa Republic Act 10868 o Centenarian Act of 2016.

Si Legaspi ay isinilang noong ika-17 ng Marso, 1920. Nagkaroon sila ng namatay niyang asawa ng 12 anak na walo ang buhay sa ngayon.

Nagdiwang ang matanda ng kanyang ika-100 taong kaarawan noong Marso 17, 2020 at matapos makumpleto ang mga papeles na kailangan ng DSWDRegion 3 ay dumating ang kanyang tseke.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here