Babae natagpuang patay na halos walang saplot

    494
    0
    SHARE
    BALANGA City, Bataan – Isang hindi pa kilalang babae na halos hubad ang katawan ang natagpuang patay bandang alas-6 ng umaga ng Martes sa madamong bahagi katabi ng crushing plant ng mga bato malapit sa Bataan superhighway palabas ng palengke ng Balanga.

    Sinabi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na natagpuan ang short ng babae sa tabi ng tumpok ng mga bato o graba. May sapantaha silang ang biktima ay nanlaban at nakatakbo sa madamong bahagi kung saan ito’y natagpuang patay.

    Pinukpok sa ulo, ginulpi at sinakal ang babae na sinasapantahang  nasa 20 taong gulang, maputi, mahaba ang buhok, 5’2” – 5’4” ang taas at may suot na puting relo at silver na kuwintas at bracelet.

    Hinihintay pa ang autopsy report upang malaman kung ito’y ginahasa o napagsamantalahan. Pansamantalang nakalagak ang mga labi sa Funeraria Martinez sa Pilar, Bataan.

    Ayon sa pulisya, kulay krema ang short ng babae na nakita malapit sa tumpok ng mga graba kaya walang saplot ito sa ibabang bahagi. Ang orange sweatshirt naman ay nakitang hubad at nakapatong sa walang buhay na katawan ng biktima.

    Patuloy ang pulisya ng Balanga sa imbestigasyon batay sa anim na cellphone numbers na nakuha sa wallet ng babae na walang ibang  laman kahit identification card o litrato.

    Ayon sa isang maliit na fastfood sa Balanga, nag-order sa kanila ang biktima ng isang bote ng red horse at masayang uminom ito.  Ngunit napuna raw nilang ito’y medyo nakainom na at panay ang hingi sa kanila ng kanilang cellphone numbers. May dala diumano itong tatlong cellphone.

    Umalis diumano ito sa tindahan bago mag-alas-10 ng gabi at sumakay sa isang pulang tricycle na walang ilaw. Pangalawang beses pa lamang daw nila itong naging kostumer.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here