MARILAO, Bulacan—Kritikal sa pagamutan ang isang babae matapos araruhin ng rumaragasang kotse sa SM City Marilao pasado alas-6 kagabi noong Martes.
Ang biktima na nakilalang si Sherilyn Dela Cruz y Dizon, 30, dalaga, at residente ng barangay Bunducan, sa bayan ng Bocaue ay kasalukuyang inoobserbahan sa Nazarenus Hospital sa bayan ng Marilao.
Si Dela Cruz ay nagtamo ng ibat-ibang sugat sa katawan at matinding pagkakabagok sa kanang bahagi ng ulo ng araruhin ng kotseng minamaneho ni Ronaldo De Mesa, 38 anyos, residente ng Barangay Lias ng bayang ito.
Ayon sa ulat, sakay si De Mesa ng kulay asul na Toyota Camry na may plakang ZLM-162 ng tinatahak nito ang driveway ng SM City Marilao Gate 2 ng mabilis itong rumampa sa gutter at inararo ang noo’y naglalakad na biktima.
Ayon sa nakasaksi na si Meraldo Sumalinog, naglalakad sila sa bangketa ng SM City kasabay ang babae ng bigla na lamang rumampa sa bangketa ang sinasakyan ni De Mesa at sinagasaan ang biktima na pumailalim pa sa sasakyan dahil sa lakas ng impact.
Agad namang sinaklolohan ng driver ang nasagasaan at isinugod sa pagamutan.
Ayon naman kay Irene Dela Cruz, kapatid ng biktima, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakamalay ang kanyang kapatid at kritikal na inoobserbahan sa pagamutan.
Samantala, sinabi ng suspek na mabagal lamang ang kanyang takbo at papatawid ang biktima ng kanyang masuro.
Aminado ang suspek na pumailalim sa gulong ng kanyang sasakyan ang biktima ngunit kaya agad niya iting isinugod sa ospital.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Marilao police, student permit lamang ang hawak ng suspek at wala itong lisensya sa pagmamaneho.
Ang suspek ay sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at kasalukuyang nakapiit sa Marilao Municipal Jail.
Ang sasakyan naman ng suspek ay naka-impound sa Marilao Police na umano’y pag-aari ng isang retired na huwes.