SUBIC, Zambales – Naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ng makita ng kanyang mga kapitbahay ang isang Australian sa kanyang inuupahang apartment sa No. 0275 Aroma St., barangay Camachile, Subic, Zambales.
Kinilala ni Chief Inspector Arnel Dial, hepe ng Subic Police ang biktimang si Shuan Leong, 55, retired Australian army at residente ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ni SPO2 George Cruz, dakong alas-10:30 ng umaga ng magtungo sina Amy Zapanta at Rolando Ambrosio sa bahay ng biktima at ng tanungin ng mga ito ang anak na apat na taong gulang kung saan ang kanyang ama itinuro nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay, subalit laking gulat nina Zapanta at Ambrosio ng makita ang sinapit ng biktima.
Sa isinagawang eksaminasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay pinatay sa pagitan ng alas-4 at alas-5 ng madaling araw at pinalo sa ulo ng matigas na bagay na kaagad nitong ikinamatay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nasa kasarapan ng tulog ang biktima ng isagawa ang krimen dahil walang palatandaan na nanlaban ito sa mga salarin.
Ang biktima ay may tatlong taon ng hiwalay sa kanyang asawa at tanging kasama nito sa bahay ang apat na taong gulang na anak na babae, ang live-in partner na isang 17-anyos at isang tomboy.
Nagsasagawa na ng manhunt ang pulisya upang hanapin ang mga suspek na sina Hanna Fuentes, isang alyas Che Che, Alyas Sally at ang 17-anyos na umano’y live-in partner ng biktima matapos na positibong ituro sa larawan ng 4-anyos na anak ng biktima.
Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa Australian Embassy upang ipaalam sa kaanak ang sinapit ng biktima.