Libong manggagawa ang kinakailangan lalo na sa mga taga Central Luzon pero may mga tutol sa nasabing oproyekto dahil sa wala pa raw namang PUBLIC HEARING na ginaganap.
Ang nasabing prioyekto ay isnulong sa Kongreso ni Aurora Congressman Juan Edgardo Angara at naging batas ito sa ilalim ng Republic Act 9490 Creating Aurora an Special Economic Zone Authority.
Ang nasabing proyekto daw ay kailangan ng masimulan ngayong First Quarter ng 2009, pero kaliwat-kanan naman na pagbatikos sa mga residente dito na maapektuhan ng nasabing proyekto. Kabilang sa mga maapektuhan ay ang Barangay Esteves at Dedit sa Casiguran, Aurora kung saan tinatayang aabot sa 1,000 katao ang maapektuhan.
Kinakailangan daw kasi dito ang karagdagang 500 hektarya sa pagtatayuan ng proyekto kung saan pawang mga sakahan (rice land) ang tatamaan ng nasabing proyekto kung kaya umaalma ang mga nagmamay-ari nito.
Sa impormasyon ng CASTIGADOR sa ilang residente doon, hindi sila tutol sa Development ng kanilang lalawigan, subalit kung ang kanilang kabuhayan naman ang maapektuhan kanila itong mariing ipaglalaban.
Dapat sigurong magkaroon ng public hearing bago simulan ang proyekto. Ito kasing ilang opisyal ng lalawigan eh, kung mag-aasta akala mo mga hari at ang lahat ng kanilang sasabihin ay sasang-ayunan ng kanilang kababayan.
Mga sir, kaya nga kayo ang ibinoto ng mga kababayan ninyo dahil sa may tiwala ang mga ito sa inyo na kapag may gusot na mangyayari sa iyong lalawigan kaya ninyo silang ipagtanggol ang nangyayari yata kayo din ang gumagawa ng kaguluhan dahil lamang sa SOP ng proyekto.
Huwag na tayong magkunwari mga sir, given na yan.
Inaayos ninyo ang inyong mga sarili at makipag-usap ng mapayapa sa inyong mga kababayan bago mahuli ang lahat, mga sir.