Home Headlines Aurora Packaging Center pinasinayaan

Aurora Packaging Center pinasinayaan

387
0
SHARE
Pinasinayaan na ang Aurora Packaging Center na matatagpuan sa bayan ng Baler. Ito ay proyekto ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Investment Promotion Office, katuwang ang Department of Science and Technology. (Michael A. Taroma/PIA 3)

BALER, Aurora (PIA) — Pinasinayaan na ang Aurora Packaging Center (APC) na matatagpuan sa bayan ng Baler.

Ito ay proyekto ng pamahalaang panlalawigan, sa pamamagitan ng Investment Promotion Office (IPO), katuwang ang Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay IPO Officer Cecille Marino, layunin ng pasilidad na tulungan ang mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa kanilang mga pangangailangan sa paghahanda ng produkto tulad ng packaging, labeling, at design.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni DOST Regional Director Julius Caesar Sicat na sa pamamagitan ng APC ay maaaring mai-aangat at makalabas na ang mga produkto ng mga MSMEs sa mga pangunahing merkado.

Ang tamang packaging ay magpapahaba sa tagal ng panahon, integridad, at kondisyon ng isang produkto habang ito ay nakaimbak o nasa byahe.

Bilang panimulang kagamitan, nagbigay ang DOST sa APC ng band sealer, thermal sealer, vacuum packaging machine, stainless steel working tables, digital weighing scales, heat gun, at cutter plotter.

Maliban dito, nagbigay din ang ahensya ng panimulang packaging materials tulad ng vacuum bags, glass and plastic jars, and stand-up pouches.

Ang mga kagamitan at makinarya ay may kabuuang halaga na P702,890 na pinondohan ilalim ng Grants-In-Aid Program.

Nagpasalamat rin si Provincial Administrator Arnold Novicio sa ahensya sa patuloy na pagkakaloob ng tulong sa mga programa ng kapitolyo.

Nakiusap din si Novicio sa mga MSMEs na tangkilikin at gamitin ang mga naturang makinarya upang lubos na mapaunlad ang pangkabuhayan sa lalawigan gayundin ang maging innovative sa mga produktong ititinda upang higit na maakit ang mga mamimili.

(CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here