Home Headlines Aurora Mental Health Center inilunsad

Aurora Mental Health Center inilunsad

523
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Aurora Mental Health Center na layuning tumulong sa mga dumaranas ng isyu na may kinalaman sa kalusugang pag-iisip.

Katuwang dito ng Kapitolyo ang Aurora State College of Technology (ASCOT), Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Aurora Police Provincial Office at Aurora Memorial Hospital.

Sinabi ni Jayson Simon, kinatawan ng Tanggapan ng Gobernador, na mahalaga ang paggamit ng social media upang maabot ang mas malawak na madla na nagbibigay-daan sa higit na mapagkukunan ng impormasyon.

Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ang Aurora Mental Health Center na layuning tumulong sa mga dumaranas ng isyu na may kinalaman sa kalusugang pag-iisip. (Michael A. Taroma/PIA 3)

Sa liham talumpati na ipinadala ni ASCOT President Eutiquio Rotaquio Jr. ay binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay pansin sa kalusugang pangkaisipan gayundin sa komprehensibong suporta sa mga mag-aaral at sa komunidad bilang kabuuan.

Ang ASCOT ang nakatalagang magbigay ng technical assistance at bubuo ng panimulang databank para sa mga kasong may kinalaman sa mental health sa lalawigan.

Sa mga dumaranas ng depresyon at mga agam-agam ay maaaring makipag-ugnayan sa Aurora Mental Health Center social media page na https://www.facebook.com/AuroraMentalHealthPage o mobile number +63-930-326-6462.

Ito ay bukas ng Lunes hanggang Sabado mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas nuwebe ng gabi. (CLJD/MAT-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here