Astang walang pinag-aralan at barbaric ba si Alex Gonzaga?

    4674
    0
    SHARE

    KUNG SI Alex Gonzaga ang tatanungin, willing siyang pumasok sa Bahay ni Kuya. She’s the latest addition bilang host ng Pinoy Big Brother All In at lahat ng mga co-host niya, including her Ate Toni Gonzaga, naranasan nang tumira sa PBB house.

    Kung mabibigyan daw siya ng chance, gusto rin niya itong ma-experience, pero kinontra na ito agad ng kanyang ate. “Ako, ayoko,” say ni Toni nang makausap namin ang magkapatid last Wednesday sa presscon ng PBB All In. “Baka kasi lumabas ang tunay na ugali niya, eh.” Bakit, ano ba ang ugali ni Alex?

    “Maingay siya, eh. Rowdy.” Sagot naman ni Alex, “Barbaric ba ako? Wala ba akong pinag-aralan? Uncivilized, ganu’n?”

    Sagot naman ni Toni, “Tingnan mo ’yan, pinag-aral mo sa International School, pero parang hindi siya nag-aral sa International School.” Hirit naman ni Alex, “Hindi, grabe kasi sila magsalita sa akin. ‘Hindi ka puwedeng pumasok sa Bahay ni Kuya, masama ang ugali mo, grabe ka, dadalhan mo kami ng kahihiyan!’ Sabi ko, ‘barbaric ba ako?’

    Say pa ni Alex, gusto niya raw talaga pero buong pamilya naman niya ay ayaw. “Baka ikasira pa ng pamilya namin,” pagbibiro na naman ni Toni, sabay sabi kay Alex, “mag-host ka na lang. Hasain mo na lang ang hosting mo.

    Magpakabuti ka na lang bilang tao.” Hahaha! Aliw ang banter ng magkapatid. Sa totoo lang, bagay silang magsama sa isang talk show.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here