SUBIC BAY FREEPORT – Pormal ng binuksan dito ang kauna-unahang assembly plant ng Electric Scooter na dinisenyo sa Japan at ang mga piyesa nito na pawang gawa sa China at Taiwan.
Ayon kay Gemma Villasenor, general manager ng World Green Inc., ang E-Scooter ay zero-smoke emission dahil ang nagpapatakbo dito ay pawang mga rechargeable batteries at tumatakbo ito sa bilis na 60 kilometro bawat oras.
Naglaan naman ang kumpanya ng $200,000 bilang capital at inaasahan na kaagad itong mababawi sa loob ng tatlong taong operasyon.
Idinugtong pa ni Villasenor na nakapag-deliver na sila sa Japan ng may 240 units sa loob lamang ng anim na buwang operasyon at may 600 units pa ang kasalukuyang ina-assemble.
Target ng nasabing kumpanya na dalhin sa Asean market gaya ng China at Korea, ganun din dito sa Pilipinas.
Ayon naman kay Cris Jones “John” Segundo, operation manager ng World Green Inc., wala pang eksaktong presyo ang halaga ng E-Scooter kung ito’y ibebenta dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Segundo na pinag-aaralan pa kung pwede itong irehistro sa Land Transportation Office dahilan sa zero-emission smoke naman ito.
Ang E-Scooter ay pinapatakbo ng may walong tig-12 volts batteries at kayang takbuhin ang may 800 kilometers ang layo.