ASIAN WATER BIRD CENSUS
    2 kakaibang ibong tubig nakita sa Candaba swamp

    370
    0
    SHARE
    CANDABA, Pampanga—Dalawang rare species ng water bird ang namataan sa kauna-unahang pagkakataon sa Candaba Swamp sa isinigawang census ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Wild Birds Club of the Philippines (WBCP) sa bayang ito noong Sabado.

    Nakita ang “black faced spoon bill” at ang “pied avocet” sa Candaba Swamp.

    Ayon kay Michael Lu ng Wild Bird Club of the Philippines, ang “black faced spoonbill ay huling namataan sa Manila Bay noong taong 1914, samantalang ang “pied avocet naman ay huling namataan sa lalawigan ng Cavite noong 2006.

    Gayunpaman, sinabi rin niya na may mga ulat na namataan ang black faced spoon bill sa Batanes at Palawan sa mga nagdaang taon.

    Ayon naman kay Carmela Espanola, isang biologist mula sa University of the Philippines, ang dalawang ibon ay nagmula sa Mainland China, at karaniwang naglalagi sa panahon ng tag-lamig sa bansang Taiwan.

    Aniya, posibleng talagang malamig sa Taiwan kayat lumipat ang mga ito sa Pilipinas.

    Ang iba pang mga ibon na nakita sa isinagawang Asian water bird census ay ang egrets, eastern marsh, Philippine mallards, oriental hobby at common kingfishers.

    Naitala sa census na isinagawa sa Candaba Swamp ang 12,613 water birds na mas mababa sa 17,000 water birds na  nabilang sa nakaraang taon na census. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here