Asawa ni Robin Padilla inalmahan na si Mariel Rodriguez

    367
    0
    SHARE
    Both Robin Padilla and Mariel Rodriguez don’t want to dignify Lizel Sicangco’s statement against them. Mismong manager ni Robin ay ayaw nang magsalita tungkol sa isyu para di na lamang daw ito humaba pa. Si Mariel naman, magsalita na raw nang magsalita si Liezl at hindi siya maaapektuhan.  “Karapatan n’ya yun, mahal niya ang mga anak niya, sige lang.”

    Nag-emote nga  kasi si Liezl, na kasalukuyang based sa Australia, na wala nang oras si Binoe na dalawin ang bunsong si Ali dahil sa nililigawang TV host-actress.

    May galit at sama ng loob si Liezl Sicangco kay Robin Padilla.

    Ang hinaing ng ina ng apat na anak ng action superstar, napapabayaan diumano ni Robin ang kanilang ten-year-old kid na si Ali. (Bukod kay Ali, may tatlong anak na babae ang dalawa—sina Roselle Elizabeth, Kylie Nicole, at Sherileen Zel). Kasalukuyang nakahiwalay ang mga bata sa kanilang ina na nakabase sa Australia.)

    Ayon kay Liezl, anim na linggo na raw na hindi nagpapakita si Robin kay Ali kaya lagi raw itong umiiyak kapag nakakausap niya sa telepono.

    Ang dahilan: “Si Mariel Rodriguez,” ang sabi ni Liezl Dugtong pa niya, “Siya ang dahilan kung bakit hindi na nagpapakita si Robin kay Ali. Sana, kung hindi na niya maalagaan ang aming mga anak, e, ibalik na lang niya ito sa akin dito sa Australia.

    “Actually, wala naman akong pakialam kay Mariel kasi may sarili siyang buhay. Ang concern ko lang naman, e, ang kalagayan ng aming anak, lalo na si Ali dahil napakabata pa niya.””As of this early, e, tinuturuan na niyang mambabae ang anak ko. ‘Tapos, sinasabi pa niya sa bata na dapat, e, magkaroon din ito ng apat na asawa paglaki. Hindi ko gusto ‘yon, dahil napakabata pa ni Ali para sa mga bagay na ‘yan,” ang maramdaming pahayag ni Liezl.

    Kaya lang naman daw ito pumayag nitong nakaraang taon na dalhin ni Robin anak sa Pilipinas ay dahil sa isang pangako.

    “Sabi sa akin noon ni Robin bago sila umalis ng Australia, hindi raw muna siya mag-aasawa agad para maasikaso niya ang mga bata pero iba na ang nangyari ngayon. Paano nga niya maaasikaso ang mga bata, lalo na si Ali, kung nakatutok siya ngayon at gusto na niyang pakasalan si Mariel?” saad ni Liezl.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here