Correction please, hindi first time ni Jake Cuenca na gumanap sa papel ng isang gay. Sa isang indie movie na napalabas last year, isang baklang HIV positve ang ginamapana ni Jake.
Kumbaga, second na niya itong pagbibida sa isa sa mga special episodes ng Maalaala Mo Kaya bilang month-long anniversary ngayong Oktubre ng tinaguriang The Longest-running Drama Anthology in Asia.
Sa teaser ng episode ni Jake, split seconds lang ipinakita ang eksenang naka-make-up siya at nakasuot ng damit-babaeo
Sa mga nasusulat, ang husay daw ni Jake sa treaser na nagsuot-babae at nag-make up sa isang eksena.
Hindi kaya magkasunod-sunod ang mga gay roles ni Jake now that he performs such roles with gusto.
You see, may mga tsismis na gayman daw si Jake pero tsismis pa lang, wala pang ebidensiya.
Inamin ni Jake na si BB. Gandanghari ang kanyang peg at ’yung mismong taong ginampanan niya – si Louie, na naroroon din sa taping sa Barcelona, Spain, kung saan kinunan ang episode.
Ayon kay Jake ay sobrang excited siya for this episode at ikinatuwa rin daw niya na sa Spain pa sila nag-shoot kung saan naroon ang kanyang pamilya.
’Yun nga lang, hindi sila nagkita ng parents niya dahil nga araw-araw ang taping at kinailangan niyang mag-focus sa role sa sandaling panahong naroroon sila.
Samantala, naitanong din namin kay Jake ang tungkol sa latest issue sa kanya ngayon na diumano ay pinadalhan daw siya ng bala ng baril ni Ronald Singson na rumored boyfriend ni Lovi Poe na as we all know ay nali-link sa kanya ngayon.
“Gusto kong klaruhin ’yan na hindi po totoo ’yun at gusto ko ring mag-sorry rin sa mga Singson, kasi hindi magandang tsismis ’yan. Wala naman talaga silang ginagawa, lalo na si Ronald na wala naman talagang kinalaman with anything.
“So, I’d like to apologize to the Singson family, to everyone,” aniya.
Pero wala siya talagang natanggap na bala mula sa kahit sinong tao?
“Wala, wala talaga. Nothing. Saka, kami naman ni Lovi, ika-clarify ko na, talagang we just made a movie (My Neighbor’s Wife). Parang kasama naman ng movie na ’yun, siyempre, may promotion.
“Hindi naman pang-promo lang ang closeness namin, talaga namang magkaibigan lang kami. Pero hanggang doon lang ’yun, hanggang friendship lang talaga,” paglilinaw pa ng aktor.