Artificial reef, itinanim sa Subic Bay

    489
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY —Pagpapalawig sa turismo, ito ang binigyang diin ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr., nang pangunahan nito ang paglalagay ng artificial reef na siyang magsisilbing bahayan ng mga isda sa Subic Bay waters na sakop ng Barangay Kalaklan at Barretto ng lungsod.

     Ayon kay Gordon, hindi lamang pagpaparami ng isda ang magagawa ng artificial reef kundi makaka-ingganyo pa ito ng mga divers dahil maglalagay sila ng “underwater chapel”  para lalo pang maakit ang mga turista.

    May sampung module na hugis pyramid ang siyang ilalagay sa ilalalim ng dagat ng Subic Bay kung saan pinagtulong-tulungan ayusin ng mga kagawad ng local na kapulisan, PNP Maritime Group sa pamumuno ni Regional Officer, Sr. Supt. Jose Tabora, LGU’s at mangingisda.

    Bago ilalagay ang mga artificial reef, ipinakita naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang tamang pagtatali sa mga mga ito upang hindi tangayin ng malakas na agos ng tubig nasa ilalaim ng dagat.

    Ayon naman kay Nelso Bien, hepe ng Fisheries Resources Management Division ng BFAR, malaking tulong ang artificial reef sa pagpapadami ng isda sa loob ng lawa ng Subic at dapat ay pasado sa criteria at kinakailangan nasa 40 to 60 feet.

    Sinabi pa ni Bien na sa loob ng anim na buwan ay marami ng isda na mamamahay sa loob ng artificial reef, kasabay ng panawagan nito sa mangingisda na huwag gumamit ng pana sa kanilang pangingisda lalong-lalo na kapag ang mga inahing isda ay nasa loob mismo ng artificial reef.

    Idinugtong pa ni Bien na dapat ipagbawal ang pangingisda sa loob ng artificial reef dahil ito ay nagsisilbing “fish sanctuary.”

    Kundi ito ipagbabawal, sa halip na dadami, ang mga isda ay lalayo at mababale-wala ang inilagay na artificial reef.

    Noong nakaraang taon ikinalat na sa baybayin ng Morong, Bataan ang may 10 modules ng artificial reef, at 30 modules naman sa San Antonio, Zambales.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here