Aronganteng District Collector ng Port of Subic

    360
    0
    SHARE

    DAPAT hindi na pinatatagal sa pwesto ng Bureau of Custom ang arogante at walang modo na kung sumagot sa mga kagawad ng MEDIA ng walang pakundangan na kung kanyang ituring ay kanyang mga alipin.

    Nitong nakalipas na araw ng Lunes (Sept. 1, 2014) ay tinungo ng ilang mamahayag ang tanggpan ni Subic Port District Collector, Retired General Arnulfo Marcos para kunan ng panig kaugnay sa pagpasok ng may 721 container vans mula sa Manila International Container Port (MICP) na ibinaba sa Subic Bay International Terminal Corporation (SBITC) noong nakaraang Huwebes at natuklasan dito na may 16 na containers na naglalaman ng waste materials, ito ay batay sa PRESS CONFERNCE na ipinatawag ni SBMA Chairman Roberto Garcia.

    Natural lamang na wala ang representatives ng custom doon kung kaya minabuti na tunguhin ang kanilang tanggapan, aba! e, sa halip na maganda ang pag-uusap, nagwala at wala daw kaming appointment kay Gen. Marcos.

    Pinagsisigawan ni Gen. Marcos ang lahat ng MEDIAMEN, suko ako, suko kasabay ng pagtaas ng dalawa nitong kamay, kasunod ng pagsasabing, “bakit ninyo ako pinapagalitan” Abay! Di pa nga kami nagtatanong e, buking na kaagad si GENERAL, sayang isa ka pa naman respitadong tao na naglilingkod sa gobyerno kung ituring mo ang MEDIA ay iyong alipin.

    GENERAL wala ka na sa giyera, tila nagkakaroon ka ng WARSHOCK, a. Tanong ng CASTIGADOR, bakit nabuking ka o baka naman kasabwat ka sa pagpapalusot ng mga mabahong kargamento na nanggaling sa MICP kung kaya ganun na lamang ang iyong paggagalaiti ng puntahan ka ng mga MEDIAMEN.

    Ang masakit pa nito tumawag ka pa ng re-inforcement mo na mga BOC police para paalisin sa iyong opisina, sana sinabi mo sa Secretary mo na hindi ka available for interview balik na lang kami, ang nangyari pinapasok mo kami sa opisina mo at doon ka nagsisigaw na nakataas pa ang iyong dalawang kamay.

    Sa tingin mo GENERAL MARCOS sikat ka doon sa ginawa mo? Isa kang public servant at kahit anong oras pwede kang mareklamo sa CIVIL SERVICE COMMISSION “kung” Civil Service Illegible ka nga ba sir?

    Abangan mo na lang ang gagawing reklamo laban sa ginawa mong pagka-arogante sir. Sa muling pagkikita, salamat po!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here