Home Headlines Army kaagapay sa pamamahagi ng ayuda mula SAP

Army kaagapay sa pamamahagi ng ayuda mula SAP

1117
0
SHARE

Katulong na mga sundalo mula 7ID sa payout ng SAP sa Cabanatuan. Larawan mula sa 7ID



LUNGSOD NG
CABANATUAN – Tumulong ang 84thInfantry (Victorious) Battalion ng Philippine Army sa pamahalaang lungsod ng Cabanatuan sa maayos na pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program.

Ayon sa 7th Infantry Division public affairs office (DPAO), nakiisa ang mga sundalo sa nasabing gawain “sa diwa ng taus-pusong serbisyo at pakikipagkapwa sa panahon ng krisis na dulot ng Covid-19.”

Nagsimula ang pamamahagi ng SAP sa mga beneficiary noong Abril 21. Ayon kay Helen Bagasao, hepe ng city social welfare and development office, plano nilang tapusin ang pamamahagi ng financial assistance sa araw ng Linggo, Mayo 10.

Sinabi naman ni Mayor Elizabeth Myca Vergara nanais nilang maipaabot ang SAP sa lahat ng pamilyang kasama sa programa upang buong-pusong maipadama sa mamamayan ng lungsod na may ginagawa ang pamahalaan upang makatulong sa taumbayan sa gitna ng krisis na hatid ng Covid-19.

Sa kasalukuyan, humigit-kumulang sa 50,148 na pamilya sa 89 na barangay ng lungsod ang naabutan na ng SAP financial assistance.

Pahayag ni Col. Andrew Costelo, commander ng 703rdInfantry (Agila) Brigade, ang direktang nakakasakop sa 84IB, na tuloy-tuloy na makikipagtulungan ang kasundaluhan upang mapabilis ang pamimigay ng financial assistance sa lahat ng pamilyang nangangailangan nito.

Ayon naman kay Brig. Gen. Manuel Sequitin, assistant division commander ng 7ID at namumuno sa Disaster Response Task Group ng 7ID, “Ang inyong Army ay hindi magsasawang makipag-ugnayan sa lahat ng kailangang isagawa upang makaagapay sa bawat Pilipino.

Gagampanan namin ang aming tungkulin para sa lubos na ikabubuti ng ating bayan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here