Home Headlines Arms cache nahukay ng mga sundalo

Arms cache nahukay ng mga sundalo

569
0
SHARE
Ang nahukay na arms cache. Kuha ng 3MIB.

PALAUIG, Zambales — Ibat-ibang bala at mga personal na kagamitan na pagmamay-ari umano ng Komiteng Larangang Gerilya-Tarlac Zambales (KLG-TarZam) ang nahukay ng mga tauhan ng 3rd Mechanized Infantry Battalion (3MIB) sa San Jose, Tarlac City nitong Mayo 10.

Sa pangunguna ni 1Lt. Hannah May B. Diva, company commander ng 32nd  Mechanized Infantry Company, natunton ng mga sundalo ang nakabaon na arms cache, matapos ituro ng mga residente ang kinaroroonan nito.

Nahukay ng mga sundalo ang isang .38 pistola, 12 bala ng M203 grenade launcher, 68 bala ng 5.56mm, limang bala ng .38, personal na kagamitan, at mga dokumento ng mga terorista.
Matatandaan na sunod-sunod ang pagkakatuklas ng kasundaluhan ng 3MIB sa mga nakatagong arms cache ng mga terorista sa Tarlac noong taong 2022 na nagpapababa sa bilang ng kagamitan ng KLG-TarZam.

Ayon kay Lt. Col. Jeszer M. Bautista, commanding officer ng 3MIB, ang pagkakatuklas ng mga nakatagong armas at kagamitan ng KLG-TarZam ay dahil sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan.

“Ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan ay nagpapakita lamang na sila mismo, ang mga mamamayan, ay sawa na sa panggagamit at pananamantala ng mga terorista. Ang kanilang pagre-report sa kinaroroonan ng mga terorista at ng kanilang kagamitan ay malaking tulong upang atin nang maubos ang mga terorista dito sa Tarlac,” ani Bautista. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here