ARJO ATAYDE is all over. At this point, puwede nang sabihin he is made. Meaning big actor na siya at isa na sa mga bigtime ng ABS-C BN talent management.Can you imagine na parang kailan lang yung inilunsad siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.
Dahil sa epiosde na yun napansin siya ng showbiz especially nbg PMPC dahil ginawaran pa siya ng Best New Tv Actor dahil sa episode na yun ng MMK. Heto na ngayon, isa si Arjo sa mga bida ng Pure Love opposite Alex Gonzaga na inili-link sa kanya.
Medyo nga lang malabo dahil tila nangengiyeme pa si Alex. But according to Arjo okey na lang yung friends sila kung yun talaga ang gusto ni Alex. What is important, according to Arjo ay yung magkasundo naman sila ni Alex sa mga taping sked nila.
Sa ngayon kasagsagan na ang Pure Love at dahil napakahusay ng delineation niya sa kanyang role, hindi malayong marami pang magandang breaks ang ibibigay kay Arjo. And we wish, dumating yung araw na siya ang bagong John Lloyd Cruz na talaga namang paboritong leading men ng mga actress.
Hindi naman po imposible yun, di po ba?