Home Headlines Araw ng mga Puso ginunita sa barangay 

Araw ng mga Puso ginunita sa barangay 

998
0
SHARE

Masayang sayawan sa Araw ng mga Puso sa Barangay Sta. Lucia, Samal. Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, Bataan — Isang simple ngunit masayang pagdiriwang ang ginanap ngayong Lunes ng hapon bilang paggunita sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day sa isang maliit na barangay sa bayang ito.

Ang selebrasyon ay ginanap sa mismong barangay hall ng Santa Lucia na dinaluhan ng mga health workers, tanod, kagawad, at mga empleyado ng barangay.

Tampok sa pagdiriwang ang pagsasayaw ng mga nagsipagdalo sa saliw ng nakakakiliting tugtuging “Paro Paro G.”

Sumayaw palabas at papasok ng barangay ang nagkakatuwaang mga kalahok na ang ilan ay senior citizen na pilit na iginiling ang mga beywang sa himig ng Tiktok song. May hawak na bulaklak na rosas ang mga sumasayaw.

Pagkatapos ng masiglang sayawan ay pinagsaluhan ang iba’t ibang handang merienda tulad ng spaghetti, pancit, salad, gelatin, tinapay. at iba pa.

Hawak ni rural health midwife Lolita Elvambuena Poblete ang isang cake na may pagbating “Happy Valentine’s Day mula sa Santa Lucia!”

Sinabi ni Poblete na sa pangunguna ni punong barangay Hector Forbes regular nilang ginugunita ang Araw ng mga Puso kahit sa simpling paraan lamang upang maipadama sa bawat isa ang kahalagahan ng pagmamahalan at pagkakaunawaan.

 

 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here