Aral mula kay Pop Buencamino

    349
    0
    SHARE
    Doon po sa bayan ng San Miguel, Bulacan, Ex-Mayor Pop Buencamino kandidatong muli sa posisyong huling hinawakan tatlong taon na ang nakaraan, nagbabakasakaling mahalal muli.
    Hindi madaling makalimutan si Pop Buencamino. Kumulekta ng maliit na pass way fee sa mga trak ng marmol na sumira sa kalyeng dati’y matino. Ngunit siya’y nasuspinde



    Sa huli’y inakusahang siya ang nagpapamina ng marmol sa bundok ng Biak-na-Batong tigib ng marmol. Ngunit ang kanyang tanong bakit hanggang ngayon, wala na siya sa posisyon, mina ng marmol tuloy ang limayon?

    Madaling matandaan at makilala si Pop, kumpara sa mga katunggali, siya ang naiiba. Katawan niya’y di kahugis ng bote ng Pop, sapagkat siya’t sa malapad at mataba.



    Ngunit kung malapad ng kanyang katawan, higit na malawak ang kanyang pananaw at isipan. Mga aral sa kanyang pinagdaanang karanasan, mapapansin at di mo maiiwasan.

    Halimbawa, sa kasalukuyang kampanyahan, mga katunggali’y bumubuga ng salapi. Gastos dito, gastos doon, parang di mauubusan. Daig pa ang may bangkong pag-aari.



    Gastos sa palaro at beauty contest sagot nila, bayad at pakain sa musiko sagot pa rin nila.
    Bumango lamang at mapalapit, sa botatanteng inaakalang bubwit.

    Tanong ni Pop sa kanyang kababayan: Sa palagay ninyo, saan at paano nila babawiin, malaking halaga ng nilaspag nilang kabuhayan? Sa suweldo ba nila pag nahalal sa tungkulin?



    Tiyak na hindi dahil suweldo ng lingkod baya’y kakatiting. Sapat lamang sa kuting, ngunit hindi sa pating. Isa, dalawa, tatlo, sampung libong kusing, Ilang beses mang bilangin hindi pa rin sapat kapag nagising.

    Sa kanyang kampanya, tanging hangad ni Pop, imulat ang kababayang nalilibang at nasasakop. Mali ang sistemang pampulitikang nakagisnan, upang sa susunod na panahon ay di mahirapan.



    Kuwentuhang bayan kanyang pinasimulan, di magastos at magarbo ang simpleng harapan. Tanong at pangamba ng kanyang mga kababayan, nasasagot bago maubos ang kapeng inilaan.

    Para kay Pop, matalo o manalo siya sa halalang ito, tiyak niyang ikasisiya. Dahil may aral siyang maiiwan sa mga kababayang magpapasiya sa halalan.

    Dagdag kaalamang kaniyang ibinahagi, inaasahan ni Pop na magbubunga kahit kalahati. Kaalaman, kakayahan at kapangyarihan, para sa matatag at maunlad na kinabukasan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here