Ara Mina pinaiimbestigahan ni Jinky Pacquiao

    423
    0
    SHARE
    Asar na asar si Ara Mina sa mga reporter na nagtatanong sa kanya tungkol dun sa di umano’y nakita silang magkasama ni Manny Pacquiao na naglalaro ng poker sa isang bar sa Malate.

    Ayon kay Ara, paulit-ulit na lang yung isyu na kung bakit sa tuwing merong bagong project si Manny, lagging nasasangkot ang kanyang pangalan. Di man diretsang matukoy ni Ara, tila nagbibintang itong ginagamit siya ng kampo ni Manny para i-promote kung anuman yun.

    “Hindi n’yo ba napapansin, sa tuwing meron siyang ginagawa laging yung tsismis sa amin ang kumakalat? Ako naman, kung ilang beses ko nang sinabing walang katotohanan yan, paulit-ulit pa rin. Hindi ba, parang gamit na gamit naman ako na parang nag-iimbento na lang sila? Nagkataon ba o sinasadya nila,” may pagdududang salita pa ni Ara Mina.

    Paano naman kaya ‘yung kontra-duda kay Ara na baka naman kampo niya ang nagkakalat ng tsismis dahil nga kailangan siyang pag-usapasn ngayon kasi nga, may pelikula siyang malapit nang ipalabas?

    Sa mini-presscon para sa kanila ni Allen Dizon, in connection sa movie na Marino, sinabi pa ni Ara na hangga’t maaari ay ayaw na niyang patulan ang isyu dahil nga parang ginagamit daw siya.

    But did you know na sa isang interview naman ni Jinkee, asawa ni Manny, sinabi nitong kung true man ang parehong naroon sa naturang bar ang dalawa, ‘yun ay hindi naman daw sinadya.  “Pero hindi ako naniniwala sa tsismis, hindi sila naglaro ng poker,”sabi pa nito sa isang news program sa telebisyon.

    Pero bakit nagsalita raw si Jinkee kay Kris Aquino na pinaimbestigahan nito yung tsismis kung true o hindi. That simply means na para kay Jinkee, ay may credence ang tsismis, otherwise, ano ang dahilan at kailangan pa niyang ipaimbestisga si Ara Mina?

    Abangan natin ang resulta ng imbestigasyong kasalukuyang ipinagagawa ni Jinky Pacquaio sa mga eksperto sa larangan.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here