Ara Mina ayaw tumandang dalaga

    449
    0
    SHARE

    HINANAP ni Ara Mina sa Google ang name ni Rocco Nacino upang malaman ang achievements niya bilang artista dahil ang actor ang lalabas na anak niya sa bagong series ng GMA na Yesterday’s Bride.

    First time ng multi-awarded actress na tumanggap ng mother role na malaki na ang anak hindi gaya nu’ng mother roles niya na bata ang kanyang mga anak.

    “Rocco Nacino? I’m not sure kasi kung siya ’yung Rocco na napapanood ko sa TV. Sa lahat ng mga baguhan, in fairness, may dating siya. May acting siya. Hindi siya ’yung trying hard. Siya ’yung parang hindi mahirap turuan.

    ’Yung sobrang pigain. ’Yung natural…” paliwanag ni Ara sa bago niyang role sa series.

    Bakit, nabubuwisit ba siya kapag hindi marunong umarte ang kanyang kaeksena?

    “Hindi naman. Kaya lang, maiimbyerna rin sa akin ’yung tao! Ha! Ha! Ha! Kasi, ano ba ’yan? Ba’t mo tinanggap?

    ’Yung anak mo, hindi marunong umarte! Ha! Ha! Ha!

    “Malaking factor ’yon sa akin. Oo, pinipili ko. Hindi ko sinasabing hindi magaling ’yung tinanggihan ko.

    Ang ano ko lang din is the story. Kasi maganda ’yung role ko dito. Sabi ko, kung magma-mother role ako, kailangan ’yung markado, ’di ba? Marami na talaga akong tinanggihan. Sabi ko sa kanya, you’re lucky! Ha! Ha! Ha!” dugtong pa ng aktres.

    “Well, kung titingnan mo, para kaming hindi mag-ina, ’di ba? Para kaming mag-ate! Ha! Ha! Ha!” saad pa ni Ara.

    Ate nga raw ang tawag sa kanya sa set ni Rocco, huh!

    “Naiilang nga siyang tawagin ako ng Mom! Na-take two pa nga kami! Ha! Ha! Ha! Nauutal siya na parang hindi siguradong mom niya ako sa series! Ilang na ilang siya!

    Saka at least challenging ito dahil hindi ko pa alam kung paano maging ina ng binata! Alam kong maging isang kapatid! Ha! Ha! Ha!” dahilan ng aktres.

    Isang nagagalit na kapatid, ’di ba?

    “Oo! Challenging sa akin ’yon! Ha! Ha! Ha!” biro ni Ara.

    Huling napanood sa GMA si Ara sa Dapat Ka Bang Mahalin? at ’yung hindi niya tinapos na Tinik sa Dibdib.

    From GMA, sa ABS-CBN siya napanood at ngayon ay balik-GMA.

    “I don’t have contract with any network. So nandoon na ako sa level na kahit saan, puwede na ako. Kumbaga, hindi ko na kailangan ng build up. All I need is to work and para maano ko rin ’yung passion ko for acting.

    “Kay Lovi (Poe) nga, naaawa ako dahil nakikita ko ’yung sarili ko sa kanya nu’ng araw. Walang tulog.

    Alam mo ’yung pag break lang, doon lang siya makakatulog! “Like nu’ng last taping namin, 7 a.m. siya na-pack up tapos didiretso pa siya sa movie ni Direk Joel (Lamangan). Sobrang…sabi ko, ayoko na ng ganyan!

    Na-experience ko na ’yan! Walang pahinga. Parang mamamatay na ako sa pagod. Okey na ako ngayon. Minsan may work, minsan, wala,” paghahambing ni Ara sa leading lady ng series.

    So may pera na siya ngayon?

    “Oo, I have a business! Ha! Ha! Ha!” pagmamalaki ni Ara. Bukod kasi sa pag-arte, nagagawa na niya ang isa niyang love na baking at tumatanggap ng made to order cakes. Bukod pa ’yung kanyang Ara’s Secret na beauty products kung saan ang market niya ay kadalasan sa abroad.

    Pagdating naman sa lovelife, nagri-ready na si Ara sa paglagay sa tahimik. Hindi nga lang niya masabi kung si Patrick Meneses na ang taong ’yon.

    “Basta ako, ready na ako! Ha! Ha! Ha! Hindi na abot ng two years. Ang usapan diyan, months! Ha! Ha! Ha!

    May usapan na! Hindi naman ako madamot, eh. Aarte pa ba ako, eh, I’m already 33? Ayoko namang maging matandang dalaga!” katwiran ni Ara.

    Sa October 29 ang Yesterday’s Bride at bukod kina Ara, Lovi at Rocco, nasa cast din sina Emilio Garcia, Karel Marquez, Luis Alandy at iba pa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here