SEPTEMBER 6 2014 is a red-letter day for CLTV 36. Dahil sa araw na ito, maglalaban-laban para sa isang ultimate star search ang anim na na talent mula sa Central Luzon. Ito ay sa isang pakontes ng year 2 ng CLTV 36 Search For a Star.
Sa pakikipagtulungan ng Robinson’s Star Mill at iba pang major sponsors, finally ay dumating na ang grand day ng finals. Paglalaban-labanan ng apat na finalists ang isang house and lot mula sa Solanaland at mga cash prizes care of the Laus Group of Companies.
Ang mga protagonists ay galing sa iba-ibang probinsiya ng Central Luzon ay sina Barbie Manalo, mula sa Mabalacat, Pampanga; Lemuel Lansangan, mula naman sa Pilar, Bataan; Louie Anne Culala, mula sa San Ildefonso, Bulacan at JD Simon mula sa Bacolor, Pampanga.
Barbie has been a a consistent winner in amateur contests and according to her, para sa pamilya ang lahat ng kanyang mga pagpapunyagi. Very emotional si Barbie kapag pinag-uusapan ang tungkol sa pamilya. Did you know na si Barbie ang nagpaparaal sa kanyang mga kapatid at ibang pinsan? “Para po mabigyan ko sila ng buhay na marangal,” sabi pa niya.
Si JD naman ay makapamilya rin at sila raw ang inspirasyon niya sa kanyang patuloy na pangangarap. JD is a student of Angeles University Foundation and is a member of the Drama group of Uyat Pampanga headed by Jayson Pabalan. Louie Anne on the other hand a also loves her family at sila rin daw ang dahilan kung bakit gusto niyang magtagumpay.
Lemuel, likewise goes out all the way for his family. Maaga raw siyang nagsolo at nagtrabaho, but in the end, napatunayan niyang kailangan niya ang kanyang pamilya para siya magkaroon ng inspirasyon.
Apat na pangarap silang maglalaban-laban at kahit sino man ang manalo sa kanila, para sa pamilya ang dahilan.