Super galak ang Wonder Gays dahil apat ang natanggap nilang nominasyon sa PMPC Star Awards for Music na gaganapin sa September 9 sa Meralco Theater at mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN 2 sa September 16.
Ito’y ang mga kategoryang Duo/Group Artist of the Year, Novelty Artist of the Year na kung saan ay katunggali nila si Willie Revillame, pati na rin sa Novelty Album of the year at Novelty Song of the Year na ‘Blind Item’.
Malaki ang pasasalamat ng grupong ito ng mga beki dahil naging ganap silang recording artist dahil na rin sa tulong ng kanilang kontrobersyal manager na si Lito De Guzman.
Bukod dito, paganda nang paganda ang role ng Wonder Gays sa sitcom na “Kapitan Awesome’ ng TV5 every Sunday, 230 pm to 330 pm with Empoy, Mart Escudero at Andrew E.
Nagiging paborito na rin sila ni Direk Joyce Bernal kaya extended ang kanilang exposure at eksena sa naturang show.