Home Opinion Anti-Political Dynasty Bill, kailangan nang paigtingin 

Anti-Political Dynasty Bill, kailangan nang paigtingin 

204
0
SHARE

1.

May PANUKALANG BATAS ng sa kongreso inihain

na ang anti dynasty bill ay kanilang TALAKAYIN

sa panahon natin ngayon dapat lamang BIGYANG PANSIN

ang usapin hinggil dito ay kailangang PAIGTINGIN

political dynasty na UMIIRAL dito sa’tin

di na dapat pang maghari’t nararapat ng BUWAGIN

2.

na kung saan KAPAMILYA lang at mga KAMAG-ANAK

ang mga NAGPAPALITAN sa tungkulin gumaganap

sa pwesto ay KAPIT-TUKO at ayaw ng magsilayas

kahit nalalaman nilang sila’y hindi NARARAPAT

mga dapat humalili tao na may INTEGRIDAD

ay walang pagkakataon MAKAPAGLINGKOD ng tapat

3.

Ang POLITICAL DYNASTY walang buting idudulot

mithi nating kaunlaran, bumabagal, NAUUDLOT

dahil ito ang ugat ng matinding PANGUNGURAKOT

na TALAMAK ngayon sa’ting inang-bayang iniirog

kailan kaya MAGWAWAKAS, hanggang kailan MATATAPOS ?

ganyang uri ng sistemang sa atin ay DUMADAGOK

4.

Sa’ting mga kongresista sino kayang SASANG-AYON ?

ganoon din sa hanay ng MAGIGITING na senador

itong anti dynasty bill nitong mga NAGSUSULONG

na ito’y MAISABATAS sa darating na panahon

kung may mga tila ayaw MAGSIALIS sa posisyon

mga PULITIKONG GANID sa panahon natin ngayon

5.

Magpipinsan, mag-iina, o kaya’y MAGKAKAPATID

na lamang ang nakikita nating NAGPAPALIT-PALIT

matitinong pulitiko na dapat sanang PUMALIT

sa kanila’y hindi nila HAHAYAANG makasingit

ang ganitong sistema ba ay di kaya PANGGIGIPIT ?

ng mga nasa posisyong sarili ang INIISIP

6.

Ang political dynasty pag ito ang NANATILI

wala ng pagkakataon na tayo ay MAKAPILI

ng lider na matitinong sa atin ay KAKANDILI

tungo sa PAG-UNLAD na siya nating pinakamimithi

katulad sa nakaraan na tayo ay NAKATALI

sa KADENA ng dayuhan na sa atin umaglahi

7.

May pag-asa pang mabago itong BULOK na sistema

na NAGHAHARI sa ngayon dito sa’ting bansang ina

sa anti dynasty bill ay kailangang MAGKAISA

mga mambabatas natin na ito ay WAKASAN na

ito ay nagpapadumi sa ngalan ng PULITIKA

na kung saan mamamayan at bayan ang NAGDURUSA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here