Home Headlines Anti-flood masterplan pinatatapos na ng Senado

Anti-flood masterplan pinatatapos na ng Senado

221
0
SHARE
Si Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr. ng makapanayam ng media sa pagbisita nito sa Bulacan. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG SAN JOSE DEL MONTE — Pinatatapos na ng Senado sa Department of Public Works and Highways ang masterplan para solusyunan ang malawakang pagbaha sa bansa partikular sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Ito ang sinabi ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa isang press conference na ginanap sa major rally ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas sa naturang lungsod nitong Biernes, Feb. 28.

Binigyang-diin ng senador na ang agarang pangangailangan para sa isang komprehensibong masterplan ay upang matugunan ang lumalalang problema sa pagbaha sa bansa na kahit kaunting ulan lang ay malawak na agad ang mga pagbaha.

Ani Revilla, dapat ay mai-presenta na ito ng DPWH ngayong taon para hindi patse-patse ang ginagawang solusyon para malabanan ang mga pagbaha at pinsala nito sa tao at mga ari-arian.

Ang Bulacan at Pampanga ang ilan sa mga lalawigan na kalimitang nabisita ni Revilla partikular nitong mga bahaan ng nakaraang taon at inalam niya ang katatayuan ng mga nabibiktima ng mga pagbaha.

Mahalaga aniya na alam nila ang tunay na sitwasyon ng mga apektado nito para makapagbalangkas ng mga pangmatagalan at komprehensibong solusyon para dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here