Anti-carnap seminar sa pulis

    394
    0
    SHARE

    IBA, Zambales – May 56 na mga kagawad ng Zambales PNP ang sumailalim sa Criminal Investigation Course (CIC) at Anti-Carnapping seminar na ginanap sa Zambales Police Provincial Office .

    Kabilang sa mga pulis ay nagmula sa Provincial Public Safety Company (PPSC), PNPSAF, at 13 municipal police station ng Zambales. Ang CIC ay tatagal ng 45 araw na nagsimula noong August 7, 2014 at magtatapos sa October 10, 2014.

    Bago magtapos ang CIC Course, sumailalin ang kapulisan sa karagdagang kaalaman na may kaugnayan sa Spotting Techniques and Anti Carnapping Act of 1972 (RA 6539) kung saan ipinaliwanag ni SPO4 Marlon Agno ng Zambales Provincial Highway Patrol Team (ZPHPT) ang kahalagahan nito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here