Home Opinion Anong pakialam sa atin ng UNHRC?

Anong pakialam sa atin ng UNHRC?

659
0
SHARE

ANG panghihimasok ng ‘European countries,’
gaya nitong Iceland sa ‘internal affairs’
natin ay ‘obvious’ at di kanaisnais
pagkat tayo’y mayrung sariling daigdig

Na ginagalawan sa silong ng ating
sariling bansa na tayo’y may lider din
na dapat masunod ang alituntunin
nasasaad sa konstitusyon nati

At tayo’y di sakop ng alin mang bansa
sa takbo at uri ng pamamahala,
kaya ano’t tayo ay mababahala
sa mga pahayag na napabalita;

Na diumano ay napagka-isahan
ng UNHRC, na imbestigahan
ang ‘war on drugs’ ng ating pamahalaan,
na kung saan ‘thousands’ na itong napatay.

‘Eighteen countries’ itong sa naturang isyu
pabor kwestyonin n’yan ang ating gobyerno
hinggil sa umano ay ‘EJK’ dito,
sapol si Duterte maupo sa puesto.

Kwenta apat ang hindi kumporme
na imbestigahan n’yan si Presidente
sa naturang ‘war on drugs’ – at kung saan kinse
ang nag-‘abstain’ at/o di bumoto pati.

At kahit marahil dumoble ang bilang
ng pabor, na siya’y maimbestigahan,
hinggil sa isyu ay wala pa rin silang
legal na basehan para pakialaman.

Wala silang karapatang kastiguhin
ang mga lider na inihalal natin,
kaya para ang gusto nila ay sundin,
ang labas, lahat na ay mga inutil.

Bagama’t kaanib itong Pilipinas
sa UNHRC, di pa rin marapat
ya’y di basta na lang papasok at sukat
sa anumang bagay kung tayo’y di payag

Na panghimasukan, kundi rin lang tayo
itong sa kanila nagpapasaklolo,
gaya kung sakaling ang ating Pangulo
ay umabuso sa katungkulan nito.

At ang ating ‘human rights’ na tinatawag
ay hindi na kinikilala, at lahat
na nang ating mga panuntunang batas
ay tahasan na nga nitong nilalabag.

Diyan pa lang tayo sa UNHRC
kailangang lumapit at humingi pati
ng ayuda – ‘but as to what we see clearly,
The president is doing only his bound duty.

At mga hakbanging dapat ipatupad
upang masagip sa pagkalunod sa ‘drug’
ang ayon kay Rizal pag-asa ng bukas,
ngunit sa masamang bisyo nangasadlak.

Kung hindi kikilos ang ating pangulo
at atin na ring kapwa Filipino,
bukas, saan na nga kaya patutungo
itong kabataang sa droga ay lango?

Kaya para tayo pakialaman nitong
‘United Nation Human Rights Commission,’
For what they say ‘extra judicial killings’ daw,
‘Said issue would be dead on arrival for sure’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here