‘EXTRA-judicial killings’ bang matatawag
itong ang napatay ay sa ‘illegal drug
buy bust operation’ kumbaga nalambat
at nanlaban kaya napatay ng parak?
At pagkatapos ay kay Pangulong Digong
isinisisi r’yan ng kung sinu-sinong
mga ‘fi scalizers’ ng Administrayon
ang nagaganap na patayan sa ngayon?
Kung saan palaging nang ini-uugnay
sa ‘war on drugs’ ng ating pamahalaan
ang lahat, pati na itong pinapatay
ng holdaper at bayarang mamamatay?
Ilang insidente na ng panloloob
ang napabalitang ang mga nanloob,
pinatay lahat ang dinatnan sa loob
kasama pati na mga batang musmos?
Iyan ba ay ‘extra judicial killings’ din
na dapat isisi sa Pangulo natin,
Gayong karamiahn ay di naman ating
alagad ng batas ang siyang bumaril?
Kagaya na lang ng ang posibleng mitsa
ng pagka-dedbol ay gawa lang kumbaga
nitong nalamangan sa partihan nila
sa ‘negosyo’ kaya iniligpit siya.
Lalo’t kung tungkol sa ipinagbabawal
na gamot o kaya panindang iligal,
sanhi na rin nitong ang ganyang kalakal
malimit pagmulan ng grabeng onsehan.
Idagdag pa natin ang mga kawatan,
snatcher, at iba pang ang hanapbuhay
ay magnakaw at kapag nasukol ‘yan,
malamang ay mapipilitang pumatay!
Iyan ba ay sa ating butihing Pangulo
isisi pa rin ang katulad nito?
Kabayan, mag-isip-isip naman tayo
bago ipukol ang sisi sa gobyerno!
Bagkus pagtulungan nating suportahan
si Pangulong Digong sa kampanya laban
ng Administrasyon sa pinagbabawal
na gamot at iba pang uring kalakal.
Ginagawa lang ni Pangulo ang dapat
nitong ipairal ‘vs. illegal drug,’
sa pagnanais niyang ang lahat ng labag
na gawaing kinokondena ng batas
Kanyang mabura at ganap ipairal
ang wasto at tamang mga panuntunan
sa pagpapatupad ng kailangang umiral
na batas para buong sambayanan.
Huwag nating bigyan ng kahit na katiting
na pansin itong sa Presidente natin,
mga pagpuna r’yan nitong magagaling
na kontra-partidong walang malay gawin
Para sirain siya, at kung saan pati
taga ibang bansa ay nakikisali
rin sa pumupuna kay Digong Dutere,
sa ‘war on drugs’ niya sa madaling sabi.
Eh, anong pakialam sa’tin ng mga ‘yan,
tayo’y may sariling mga panuntunan
‘as sovereign country’ kaya ang sinuman
di tayo maaring panghimasukan n’yan!