Home Opinion Anong pagkaiba ngternate at balimbing?

Anong pagkaiba ng
ternate at balimbing?

627
0
SHARE

KUNG anong hitsura nitong alin pa man
sa dalawang klaseng prutas na naturan
ay itong ternate kung maiging tingnan
kumpara sa huli ay may kaliitan.

Pero itong bagong uri ng balimbing,
na lumitaw ngayon sa panahon natin,
sa katusuhan ay ubod yan ng galing,
talo ang alin mang uri r’yan ng matsing.

Sila r’yan ang tuwing may halalan tayo
may pagka-ternate ang marami nito
na medyo mahirap sabihin kung sino
ang doble kara  at itong asal tsonggo.

Pero marami r’yan lalo sa lokal na
halalan itong kay mayor makikita
na kunwari’y todo ang kanyang suporta,
subalit may pagka-kangaroo ang iba.

Na napakadaling magpalundag-lundag
sa kampo ng iba kapagka nayakag
ng kapwa balimbing – na una sa lahat
para magkapera  lang ang tanging hangad.

Kaya kung sino ang madaling lapitan,
libre almusal at saka ng minindal,
pananghalian at pati ng hapunan
makakakita ng sobra ang kakapal.

At kung sino pati ang inaakala
na malaman ang bulsa r’yan halimbawa,
ni mayor, ni bise. at konsehales nga,
at panglalawigan,  di rin ligtas yata.

Sa pang-nasyonal ‘post’ makakakita rin
ng kangaroo, saka mga tusong matsing,
na wala rin namang iba pang hangarin
kung ang kumita sa tatangkilikin.

Kung saan posibleng malaki ang kita
doon mo na ngayon masilayan sila,
nang dahil na rin ganitong sistema
na palipat-lipat madali ang kuwarta.

Gaya kahapon lang dito po sa amin
sa bayan ng Araw, Dagat, Buwan ating
natuklasan itong ubod d’yan ng daming
ternate at saka ‘over ripe’ balimbing.

Di ko sinasabing sila’y mga walang –
hiya o talagang saksakan ng kapal,
pero ang ganitong gawain ay sakdal
na pagkasira ng pagkatao’t dangal.

Eh, bakit nga hindi ito maituturing
na masahol pa nga sa pagkabalimbing;
kay ‘vice mayor’ itong kahapon nanggaling,
pero matapos ay saan ‘yan humimpil?

Sa kampo ng isa na pinakatanyag
at masasabi kong marangal na anak
ng sinilangan niyang bayan, di man lahat
ay kanya, pero ang panalo ay tiyak.

Gayong ang kilala nating ito’y walang
katiket na Bise at saka Konsehal,
pero nang dahil sa kanyang kabaitan,
at pagiging bukas palad minahal ‘yan !

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here