Home Opinion Anong kayang bago na maasahan sa ‘SONA 2020’ ng ating Pangulo?

Anong kayang bago na maasahan
sa ‘SONA 2020’ ng ating Pangulo?

781
0
SHARE

KUNG anong posible r’yan na maging sentro
ng SONA ng ating butihing Pangulo
ngyong Lunes, abeinte syete ng Hulyo,
malamang ‘copycat’ ng dating estilo.

Na kung saan kahit biro lang sa kanya
ang ibang bagay na sinasalita niya,
yan sa ibang tao di kaaya-aya
at di ikapuri ng mabuting ama.

May mga instansya na patalon-talon
ang ibinibida ni Pangulong Digong;
paksa halimbawa  hinggil sa Malabon,
bigla isisingit ang isyu sa Bicol.

Malimit din namang ang ibang salita
di masakyan agad pagkat sobrang hina,
pabulong at para bang sa taong madla
ayaw iparinig ‘in public’ nang kusa.

Huwag ipagkamaling siya’y pinipintasan
ni abang-lingkod sa estilo niyang ganyan,
kundi ang atin ay kwenta ‘reminder’ lang
sa ating Pangulo ang aking tinuran.

At sana, sa lahat ng naging SONA niya,
ang sa araw na ito ang mas masustansya
at magbibigay r’yan ng bagong pag-asa
sa taong-bayan na lugmok na sa dusa.

Tama na ‘yang puro salita na lamang
at mga pakulo na di maasahan
nitong sa kanya ay mga nagluklok r’yan,
na nararapat na tapat paglingkuran.

At sana nga lahat na’ng ipinangako
sa ‘labor sector’ ay gawing buong-buo
at di matulad sa iba pang pangako,
na isa ang ‘ENDO’ na bulang naglaho.

At ibang sa ganang inyong abang-lingkod
ang sistemang ‘yan ang nagpahirap lubos
sa kalagayan ng ating nasa sa ‘work force,’
na ang ‘security of tenure’ ay tubog.

Sana maging neutral na siya sa pagharap
d’yan sa ano pa man, na kung saan dapat
ang tanggapan nito mamalaging bukas
sa pagresolba ng bagay na marapat.

Gaya ng sa isyu r’yan nang pagkansela
at/o di pagbigay ng bagong prangkisa
ng Congress, sa ABS-CBN, yan ba
ay di si Duterte ang siyang may dikta?

Kaya nga’t tayo man di naniniwalang
sa ‘Terrorism Act’ ay di Malakanyang
ang may pakana at awtor ng naturan,
na isabatas ng Congress kahit bawal.

At di naayon sa batas kumbaga
ayon sa ‘Supreme Court’ kaya malamang na
yan i- ‘recall’ at tuluyang ibasura
sapagkat labag nga sa batas talaga?

Umaga, sa Lunes, beinte syete ng buwan
ng Hulyo ang labas sa ‘online’ kabayan
nitong ating column, kaya subaybayan
ang ‘speech’ ni Sir kung anong nilalaman.

(At sana huwag nawang ang dating estilo
sa pagsasalita itong maging sentro
ng taunang SONA ng ating Pangulo,
kundi ang manaig ay pawang totoo!)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here