Question:
Dear Attorney,
Ako po ay nag-iisang anak ng aking biyudang ina na namatay nito lamang Hulyo 2023. Mayroon siyang ilang ari-arian na naiwan sa kanyang pangalan. Ano po kayang dapat kong gawin para mailipat ang mga ito sa aking pangalan?
Sumasainyo,
Arthur
Answer:
Ayon po sa ating Rules on Special Proceedings Section 1, Rule 74, ang nag iisang tagapagmana ng mga naiwang ari-arian ng namatay ay maaring gumawa ng affidavit of self-adjudication. Nakapaloob sa naturang affidavit ang mga importanteng detalye ukol sa tagapagmana, detalye ukol sa namatay, listahan o deskripsyon ng mga naiwang ari-arian, at ang pagdedeklara na ang gumawa ng naturang affidavit ay ang siyang nag-iisang tagapagmana ng naiwang mga ari-arian.
Ang affidavit na ito ay kailangang I-file sa registry of deeds ng lugar kung saan nanirahan ang namatay. Kasabay din po ng pag-file ng naturang affidavit ay ang pag file rin ng Bond sa nasabing Registry of Deeds sa halagang katumbas ng value ng mga naiwang personal properties ng namatay.