Ano nga kaya talaga?

    668
    0
    SHARE

    BATID kong sa ano mang kasong kriminal
    ay sa Piskal idudulog ng ‘complainant’
    ang sumbong at siya itong ‘counsel’ bilang
    ng magsasampa ng kaso sa hukuman.

    Alam ko rin namang medyo mabusisi
    at di basta na lang puedeng magmadali
    ang Piskal bago niya lubos na masuri
    ang sumbong kung nasa matwid o hindi.

    Pero sana bilang kwenta abogado
    ng nagdemanda ay kausapin ito
    sa ano pang dapat ipayo siguro
    kung sa tantya niya’y tagilid kaso.

    At di basta na lang ididismis bigla,
    na kagaya nitong sa akin ginawa
    ni Piskal Tepace, na aywan kung tama,
    o baka nalagyan ng nasa kabila?

    Tama bang ni hindi niya ako binigyan
    ni Piskal nang kahit ilang minuto lang
    para makausap sa kanyang tanggapan
    para sa posibleng ‘settlement’ na lamang?

    Di gaya ng unang Piskal na humawak
    na ‘attentive’ at magalang kausap,
    dangan nga lang pina-inhibit kaagad
    ni Ismael Ramos, na tuso’t mautak

    (Na doctor pa mandin siyang naturingan
    pero may ‘multiple cases’ sa hukuman
    ng Estafa’t iba pang kasong kriminal
    ‘which are still pending for series of trials’).

    Kung binigyan ako ni Piskal ni Tepace
    ng pagkakataong magkausap kami,
    sana’y nasabi kong ang kabilang ‘Party,’
    Thru counsel, an off er had already reached me.’

    Kaya natural lang na ako’y nagtaka
    nang kamukat-mukat ay ilaglag niya
    akong bigla gayong napakalinaw na,
    itong si Ramos ay may nagawang sala

    Kasi kung talagang sinuring mabuti
    ng butihing Prosecutor Grantz Tepace
    ang aking demanda ay di isantabi
    basta na lang nito ang kasong nasabi.

    Una, papaanong nasabi ni Ramos
    na ang misis ko ay ‘ten days’ nang halos
    hindi kumakain gayong ipinasok
    lang ng December 24, at matapos

    Ang ‘two days’ patay na naming inilabas
    siya sa ospital at tanging mga ‘nurse’
    na iniwan niya nang kanyang i-’conduct’
    ang pag-’dialysis’ itong nakaharap.

    Pagkat ayon na rin sa mga ‘nurse’ mismo
    ay iniwan basta ng doctor na ito
    ang pasyenteng nasa bingit ng peligro,
    para makauwi agad ang damuho.

    Aba’y kung dinatnan ko lamang marahil
    ang Ramos na ito nang ako’y dumating
    mula sa bahay ay baka umabot din
    sa posibleng siya ay aking nakitil?!

    Eh, bakit nga hindi? Ikaw man bang ito
    na ni hindi kayo nagkausap mismo
    hinggil sa gagawin nitong tarantado,
    di ka mapasubo na patayin ito?

    Pero, nand’yan na ‘yan, at tadtarin ko man
    ng pinong-pino ay di na mabubuhay
    si misis kung kaya ‘settlement’ na lamang
    sa aking demanda ang handang ibigay.

    Sa puntong naturan di maiaalis
    ni Tepace sa ‘kin ang hindi mag-isip
    ng hindi maganda nang kanyang idismis
    basta ang kaso nang ganoon kabilis!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here