Ang estado ay walang ibang layunin kundi maiayos ang buong bansa. Dahan dahan na nating iniaangat at isinasaayos ang pamamalakad ng gobyerno, pinaglalaanan na nang pansin pamula sa lokal na ehekutibo ang pagsasaayos ng kapayapaan. Ginagawa na nating pangkalahatan ang pakikibaka laban sa kaguluhan at pagkakapit bisig ng mga ahensya upang mapabilis natin ang pag unlad sa kanayunan. Datapwat mayroong mga indibidwal na organisasyon gaya ng CPP-NPA-NDF na walang alam gawin kundi ang guluhin, buwagin at pag watak-watakin ang programa ng pamahalaan. Pilit nating inuunawa na karamihan sa mga kapatid natin na nasa gayung organisasyon ay nalilinlang lamang ng maling impormasyon. Tayo man ay nasususunogan ng mga gamit, kinikikilan ng pera na tinatawag na buwis pang himagsikan, ito lamang ay ilan sa mga bagay na kaya nilang gawin upang tayo ay guluhin. Ngunit marami ang hindi nakaka alam, maaaring nalilimutan nila o kaya naman ay hindi nila pinag tutuunan ng pansin … Na may mga programa nang inilalaan upang sila ay tulungan