Anne Curtis next Dyesebel

    355
    0
    SHARE

    CLOSE TO TEARS ang naging reaksyon ni Anne Curtis nang siya ang piliing lumabas na Dyesebel ng ABS CBN at Dreamscape. “Seriously? Opo. Yes! Defi nitely!” ang naging tugon daw niya sa good news pagkarating mula sa bakasyon sa Canada.

    “After everything? Overwhelming lang. It brings me tears of joy rather than… 2014 pala is going to be a good year. It’s a great way na masimulan ko ang 2014 na ako si Dyesebel, ’di ba? It won’t happen everyday and it won’t happen everyday in your career.

    “Sobrang honored and it’s a dream come true,” tuwang-tuwa pang dagdag ng aktres. Teka, confirmed na rin ba ’yung pagsasama nila sa movie ni John Lloyd Cruz na nabalita matapos ang iskandalo nila? “Ay, hindi ko pa po alam. Baka ma-shock na lang din ako this year din. Oo, you’ll never know,” tugon niya.

    Okey lang sa kanya na magsama sila? “Oo naman! Okey lang kami. Tingnan natin what else 2014 will bring but, so far, the best na itong Dyesebel,” sagot ni Anne. Aminado siya na humbling experience ’yung gulo na kinasangkutan niya last year.

    Sinunod din niya ang payo ni Vice Ganda na maging madasalin. Gusto rin niyang pasalamatan ’yung suporta ng followers niya sa Twitter. “Sobra akong nagpapasalamat. There are people who wouldn’t lose their faith in me. That faith in me brought me to become Dyesebel. Maraming salamat!” sey pa ng aktres.

    Ano ang feeling niya’t mahal pa rin siya ng tao kahit may nangyari sa kanya? “May pagkakamali naman ang isang tao. Pero hindi naman laging ganoon,” katwiran niya. Sa nakaraan niyang bakasyon, ramdam niya ang pagiging relaxed at walang iniisip.

    Teka, keri pa rin ba niyang uminom ng alak? “Huh? Ah, oo! Hahaha!” sagot ni Anne. Eh, nagdyu-juicing pa rin siya? “Opo, hahaha!” maiksing tugon ni Anne. Summer ang target na telecast ng Dyesebel. Makakaromansa niya rito for the first time si Gerald Anderson, na lalabas na love interest niyang taga-lupa na si Fredo, at ang ex-boyfriend na si Sam Milby, na isang siyokoy ang role.

    Right after ng announcement ng pagiging Dyesebel ni Anne, nagkaroon ng story conference at sa showbiz segment ng Bandila nu’ng Huwebes, kabilang sa cast sina Gabby Concepcion, Zsa Zsa Padilla at Ai-Ai de las Alas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here