But when it comes to her projects, handa siyang magkompromiso at gumawa ng malaswa alang-alang sa makatotohanang pagganap.
And one of her pinakamalaswa ay ang isang eksena sa pelikulang ginagawa nila ni Richard Gutierrez.
Inamin ni Anne Curtis na first time siyang gumawa ng isang eksena na para sa kanya ay pinaka-daring na niyang nagawa sa pelikula.
Sabi pa niya, never pa raw siyang kumandong paharap sa kaeksenang lalaki. Pero, ito ay kanyang nagawa with Richard Gutierrez sa In Your Eyes movie na joint venture ng GMA Films at Viva Films at idinirek ni Marc Alejandre.
“Grabe! Natakot talaga ako, kasi first time ko nga sa ganu’ng eksena na kakandong ako paharap kay Chard habang nagmamaneho ito ng kotse.
“Pero, kailangan ‘yon sa eksena at importante kaya pumayag na rin ako at saka si Chard naman ang kaeksena ko.
“’Yon na yata ang pinaka-daring na nagawa ko sa pelikula. Natakot at pinagpawisan talaga ako habang kinukunan ang eksena,” tsika pa ni Anne
Hindi naman ikinaila ni Anne na hindi pa rin nawawala ang chemistry nila ni Chard after seven years na maghiwalay.
Kaya naman laging good take ang halikan nila lalo na ‘yong kanilang love scene sa movie.
Inamin kasi nina Chard at Anne nang magkaroon sila ng relasyon noon ay mga bata pa sila, kaya kapag naalaala nila ay nagtatawanan na lang sila.
Dati ay boy-next-door lang ang tingin ni Anne kay Chard, pero nang magsama sila sa isang mature role sa In Your Eyes ay napakalaki raw nang iginaling ng aktor pagdating sa acting.