Lasing ba si Anne Curtis nang maaksidente ito noong isang araw?
Wala kasing sinasabi sa police report na ang malinaw lang, isinugod si Anne sa ospital pagkatapos ay umuwi na ng bahay para matulog. Wala na ni isa mang naka-interview kay Anne kaya halatang pinagmadali itong umuwi para makaiwas sa mga press. Ang malinaw lang, nagkaroon daw ito ng pasa sa katawan, na na-schedule na ma-X-Ray kinabukasan but even that was called off. Ibig sabihin, wala naman talagang pinsala si Anne kaya ipinagwalang-bahala na yung X-Ray.
May itanatago kayang ‘kababalaghan’ sa pagkaksidente ni Anne kaya sikreto halos lahat ng mga detalye?
Pati nga yung driver ng van na binangga ni Anne, wala na raw reklamo, ang mahalaga raw, sinagot na ni Anne ang pagpapagawa ng nasirang bahagi ng kanyang sasakyan.
Medyo malabo ang ganito, normally dahil nga celebrity ang bumangga sa kanya, dapat na magmarakulyo ang driver dahil obviously, si Anne ang may kasalanan sa nangyari. Pero hindi na nagreklamo ang driver. Bakit?
Pagod at puyat daw si Anne at yun ang pinapalagay na dahilan kung bakit naaksidente ito. Ni isa, walang naglabas ng hinalang baka lasing si Anne kaya nakabangga?
Ano ba talaga ang totoo?
Nagtatanong lang po!
Isa pang tanong, wala ba talagang kasama kahit alalay si Anne gayung alanganing oras na siyang nagmamaneho?
Misteryoso talaga, hindi po ba?