Anne Curtis, Angel Locsin, aligaga para sa mga sinalanta ng kambal na bagyo

    362
    0
    SHARE
    Nakita namin at sumuporta sina Cristine Reyes, Maxene Magalona, Tim Yap sa launching ng ‘Shop & Share’ auction na makikita sa eBay.ph nina Anne Curtis at Angel Locsin nu’ng Saturday night sa Gateway.

    “Si Angel ang tumawag sa akin. Tapos, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba yung mga auction-auction ng bags. Siyempre, gusto ko ‘yan, forte ko ‘yan, e.Tapos yun na, after, super nag-brainstorming na kami kila Ate Kris (Aquino) kung paano namin gagawin.

    “Then, yun nga, online ang napagdesisyunan namin. Si Ate Kris ang nag-suggest na online bidding na lang,” kuwento niya na sinimulan nila ito para sa mga biktima ng bagyong Ondoy at Pepeng.

    Ayon kay Anne, $15,000 na ang inaabot ng sales nila at may mga pending items pa na isusubasta. Target daw sana nilang kitain through their fundraising campaign ay one million pesos.

    Itutuloy nila ang pag-o-auction ng mga celebrity items sa eBay hanggang may mga items silang ibebenta.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here