Annabelle Rama tunay na demanda queen

    344
    0
    SHARE
    Hitsurang may festival of lawsuits na kinasasalihan ngayon si Ananbelle Rama. Kung noon, binansagan siyang demanda queen dahil rami ng mga asuntong dumating sa kanyang buhay. Marami na siyang kasong naipanalo in the past at marami rin yung nauwi lang naman sa mahusay na usapan.

    This time though, ibang klase ang dating ng mga demada sa buhay ni Bisaya. Take note, na nagsampa nng demanda laban sa kanya si Wilma Galvante at ito ay kasalukuyang dinidinig sa isang korte sa Quezon City.

    Kasabay naman nito, nagsampa naman ng demanda si Bisaya laban sa Philippine Entertainment Portal dahil nga sa malisyosong paninira sa kanyang anak.

    Basahin po ang mga statement ni Anabelle Rama kaugnay ng mga usaping kinasasangkutan niya.

     Ayon kay Annabelle, ang lady executive ng GMA-7 ang nag-umpisa ng away nila

    “Itong kaso na ito, inumpisahan ni Wilma at siya ang nag-umpisa ng away. Kasi ako, never akong nag-start ng away. Inumpisahan niya, inaaway niya ako for five years. Inumpisahan niya ako. Nananahimik na ako for almost one month. Hindi ko akalain na magpa-file siya ng case against me.

    “Ngayon, nag-file na siya against me. Lalabanan ko na siya. Hindi ko na ito uurungan. Ipaglalaban ko ang sarili ko. Ang feeling ko, parang inaapi-api niya ako kasi nasa mataas na posisyon siya, kaya lalabanan ko siya. Hindi ako uurong sa demandang ito.

    “I’m just here as a manager, to protect my talent. Kasi manager ako, e. Siyempre, kailangan kong ipagtanggol ang mga talent ko na feeling ko nadedehado at naaapi. Napunta ako sa kasong ito dahil sa pagtatanggol sa mga alaga ko,” saad ng talent manager.

    Wala raw kinalaman ang anak niyang si Richard Gutierrez sa kaso niyang ito kay Ms. Wilma.

    “Laban ito ng dalawang talents ko [JC de Vera and Heart Evangelista] na inaapi-api ni Wilma Galvante. Yun lang ang ipinaglalaban ko as a manager. This is my job, to fight for my talents!

    “Against me ang kaso, pero kapag binasa mo, puwede ka naman kumuha ng kopya ng reklamo ni Wilma Galvante, hindi ito GMA na laban, ha? Ang kalaban ko si Wilma. Kung babasahin mo ang statement ni Wilma, yung umpisa pa lang, JC na kaagad.

    “Seven million peso damages? Hintayin mo ang sagot ko! 

    “Laban naming dalawa ni Wilma. Kaming dalawa ang maglalaban-laban. Walang GMA na makikialam. Tama naman sila na kapag lumaban si Wilma sa akin, dapat hindi makialam ang station.

    “Kaso ito ni Wilma. Gusto niya ako labanan, gusto niya ako idemanda. Puwes, lalabanan ko siya. Hindi ako aatras,” mariing sabi ng Annabelle.

    Ito naman yung sa PEP na sinampahan nga ng demanda ni Bisaya.

    “Ako, as a manager of Richard, itutuloy ko ang demanda ko sa kanila kasi, unang-una, hindi naman clear ang apology ni Jo-Ann Maglipon. Pinaikot-ikot niya ang mga press. Pinaikot-ikot niya lahat ng tao.

    “Ang gusto ko, direct to the point. Walang incident na nangyari kaya idedemanda ang PEP at saka lahat ng tao na involved para lumabas yung dalawa nilang sinasabing witness. Gusto kong malaman kung saan nanggaling ang istoryang ‘yan at gusto ko mag-file ng demanda as a manager.

    “Leksyon ito para sa kanila na hindi puwedeng mag-imbento ng istorya. Yung kay Richard, sobrang pag-iimbento ng istorya, sobrang imbento! Hindi ko alam kung saan galing ang istoryang ‘yon!  At gusto kong ilabas nila ang dalawang witness na sinasabi nila.

    “Actually, marami ang naninira kay Richard. Gusto nilang i-down si Richard. Sa awa ng  Diyos, siguro sa pagdadasal ko at ang bait-bait ng anak ko, ang bait ni Richard, ang bait ng pamilya ko, hindi pumapayag ang nasa Itaas na ma-down si Richard.

    “Maraming gustong i-down si Richard. Hindi lang sa PEP. May mga nagte-text sa akin. Maraming imbento kaya nga natutuwa ako dahil si Richard, nagte-taping sa malayo para malayo sa gulo.

    “Marami silang isinusulat na below-the-belt, nakakahiya sa ibang artista. At itong ginawa nila kay Richard, proven na  talagang yung mga nilalagay sa PEP, hindi totoo. Example yung kay Richard, nagsalita na lahat ang mga witness na walang gulong nangyari. Nagsalita na yung direktor, sa party niya, walang nangyari.

    “Yung supposed to be na kalaban ni Richard na si Michael Flores, nagsalita na rin na walang nangyari. Bakit ipipilit na may nangyari? Takot silang masira ang kanilang PEP? Sira na sila ngayon sa ginawa nila sa anak ko.”

    “Kinonfront ko si Joan. Sabi niya, ‘Tatanggalin ko Annabelle kasi nakausap ng PEP si Michael, idinenay, wala raw nangyari.’

    “Pati si Epy Quizon at kung sino pa yung mga nakausap nila, so pinull-out kaagad nila sa Internet yung mga pangyayari. Yung article.

    “Ang sabi ko sa kanya, magdedemanda ako. Sabi niya, ‘Ano gusto mong gawin namin para hindi ka na magdemanda?’ Sabi ko, ‘I-retract mo ‘yon. Linisin mo ang pangalan ng anak ko, kasi maraming nakakabasa sa Internet na ‘yan.

    Pero, hindi ako satisfied sa mga sinasabi ni Jo-Ann. Hindi satisfied ang buong pamilya ko. Kapag hindi pa siya mag-retract after receiving the letter from my lawyer, tuluy-tuloy na ang demanda sa kanila to clear Richard’s name.”



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here