Annabelle Rama nagkakaroon na ng kontrobidang image sa industriya ng showbiz

    394
    0
    SHARE

    Kabi-kabila ang interview ni Chito Alcid kaugnay ng panghahabol ng saksak sa kanya ni Annabelle Rama sa mismong burol ni Dolphy. This clearly shows na naniniwala ang mga networks at ibang media entities na talagang dapat nang wakasan ang mga kabastusan ni Annabelle Rama.

    Ayon sa isang member ng isang organisasyon, hindi paborable yung rason ni rama sa kanyang paghingi ng sorry sa mga  naiwan ni Dolphy na hindi niya napigalan ang sarili, kasi nga may kasiraang isinususlat si Alcid kanyang mga anak.

    Kumbaga, pinalabas ni Rama na tama yung kanyang ginawa na talagang kailangang awayin niya’ng sino mang writer na naninira sa kanila.

    “If that were to be the example, paano na’ng showbiz, siguro, araw-araw may away,” sabi pa ng kausap namin.

    Pinalalabas ding tama yung hindi na lang papatulan ni Amalia Fuentes ang mga paninira sa kanya ni Annabelle Rama.

    In an interview nagsalita si Amalia Fuentes tungkol sa mga provocation sa kanya ni Annabelle Rama.

    "For the longest time, Annabelle has been provoking me—at my late husband‘s [Joey Stevens] wake, at the court, Erap‘s birthday party, and now at Dolphy‘s wake.

    "I have decided, however, that I will never be a party to any of her cheap theatrics. I will not stoop down to her level as I have no intention to match her foul mouth and uncivilized behavior.

    "What happened at Dolphy‘s wake, witnessed by respectable people from showbiz, government, and business, clearly shows the kind of woman she is. For all her scandals, she has no one else to blame but herself."

    Kaugnay ng lahat ng ito, ideneklarang persona non grata at enemy of press freedom ng grupong Alab ng Mamamahayag (ALAM)  si dating sexy starlet Annabelle Rama matapos nitong habulin ng saksak at pagmumurahin ang veteran showbiz writer na si Chito Alcid sa mismong burol ni Comedy King Rodolfo Vera “Dolphy” Quizon. 

    Ayon kay ALAM Chairman Jerry Yap, umaabuso na si Rama at wala nang iginagalang kahit pa ang burol ng namayapang Hari ng Komedya.

    Naniniwala si Yap na nanghabol ng saksak si Rama dahil nagalit ito sa isang artikulong isinulat ni Alcid tungkol sa anak nitong si dating beauty queen-turned-actress Ruffa Gutierrez.

    Kung ito umano ang sanhi ng gulo, ang ginawa ni Rama ay maituturing na paglabag sa kalayaan sa pamamahayag.

    Ani Yap, kahit sinong manunulat ay may karapatang ipahayag ang inaakala nilang tama.

    Sa panayam ng ALAM kay Alcid, sinabi niyang magkakasama sila nina actress Amalia Fuentes at Daisy Romualdez, dating beauty queen Azenith Briones, at politician Chavit Singson sa burol ni Dolphy.

    Nagkita-kita umano sila sa Rustan’s kaya magkakasama silang dumating sa Heritage Park.

    Gayunman, nang makita umano sila ni Rama na magkakasama ay agad bumakas sa mukha nito ang galit sa hindi malamang dahilan.

    Ani Alcid, posibleng nagalit si Rama ng husto dahil kasama nila ni Singson na dati niyang sponsor sa lahat ng party.

    Marahil umano ay naiinis si Rama dahil sila na ang kasama nito, particular si Amalia na mahigpit nitong kaaway.

    Itinanggi rin ni Alcid na hindi totoo ang mga “tweet” ni Rama na siya ang nagsimula ng gulo dahil nang makita niyang naroon ito sa CR ay agad siyang tumalikod para umiwas sa kanya.

    “Tumalikod ako without making faces dahil alam kong butangera siya,” ani Alcid. “Pero bigla siyang sumigaw.

    Sabi pa, ‘Hoy, bakla ka, bugaw!’ at kung anu-ano pang pinagsasabi, pero hindi ko na pinatulan bilang paggalang kay Tito Dolphy.”

    Gayunman, nagwala umano si Rama at kahit ang asawang si Eddie Gutierrez ay hindi siya napigilan.

    “Tama ba ’yung lahat na lang inaway niya? Tapos, sa akin, kumuha pa ng kutsilyo at hinabol ako ng saksak. Buti na lang kahit nadapa ako ay hindi ako inabutan,” giit pa ni Alcid.

    Ngayong araw na ito, Lunes, sinabi ng showbiz writer na isang kongresista ang magsasampa ng resolusyong Anti-Rama Bill bilang tugon sa ginawa sa kanya ni Rama.

    Sa nasabing bill, mapaparusahan, hindi lamang si Rama, kundi ang lahat ng mga taong bastos at walang galang, para madala.

    Pinayuhan pa ni Alcid si Rama na magpa-rehabilitate o magpatingin sa doktor dahil baka problema ito.

    “Baka something is wrong with her,” aniya. “Sa lamay pa ni Tito Dolphy siya gumawa ng gulo. Kahit hindi ko siya pinatulan, nakakahiya pa rin sa mga namatayan.”

    Ayon naman kay ALAM President Berteni Causing, puwedeng kasuhan ng “unjust vexation” si Rama dahil sa pagmumura nito kay Alcid.

    Puwede rin namang frustrated homicide, dahil nanghabol ito ng saksak.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here