Home Headlines Ani ng inbred binhing palay, mataas

Ani ng inbred binhing palay, mataas

500
0
SHARE
Pag-aani ng palay sa bukirin ni Saturnino Pascual. Kuha ni Armand M. Galang

GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija – Inihayag ng mga magsasaka at palay seed producer ng Nueva Ecija na kayang makipagsabayan ng inbred seeds sa mga hybrid variety sa produksiyon.

Ayon kay Ariel Dolores, chairman ng Nueva Eciha Seed Growers Multipurpose Cooperative (NESGMPC) na siya ring pangulo ng National Federation of Seed Growers Cooperative, nasa anim hanggang 10 metriko tonelada o 120 hanggang halos 200 sako ng palay ang karaniwang produksiyon ng inbred rice sa Nueva Ecija.

“Sa pagmo-monitor naman namin medyo maganda ang ani ngayon,” saad ni Dolores na dumalo sa NESGMPC Harvest Festival na ginanap sa Techno Demo for Inbred Rice Production sa Barangay Mataas na Kahoy ng bayang ito nitong Martes.

Si Dolores ay lumahok sa harvest festival na pinangunahan ng ilang matataas na opisyal ng Department of Agriculture, magsasaka, at iba pang stakeholders.

“Ito nga ‘yung sariling atin, kumbaga dinibelop natin sa atin, dito sa bansa natin, dinibelop ng PhilRice (Philippine Rice Research Institute), ng mga siyentista natin at adaptive sa kung anuman ang klima natin,” paliwanag ni Dolores.

Siyamnapung porsiyento ng hybrid, dagdag pa niya, ay imported kaya’t hindi maiwasan na hindi ito puwedeng itanim sa mas maraming lugar.

Sa kasalakuyang presyo na P25 kada kilo ng palay ay maaaring makapagbenta ng hanggang P130,000 kada ektarya, ayon sa kanya.

Kasakakuyan pa naman ang kanilang pagtatasa sa kada ektaryang gastusin sa inputs upang mabatid ang linis (net) na kita ng mga magsasaka.

Si Saturnino Pascual, magsasaka, ay umani ngayong taon ng hanggang sa 180 sako ng palay kada ektarya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here