My iringan sina Gretchen Baretto at Angelica Panganiban. Ang bone of contention nila ay si Derek Ramsay na leadingman bi Greta sa kasalukuyan. Sa sobrang selos ni Angel, kung anik-anik ang pinagsasabi niya.
Sa kagustuhang mapansin, parehong pinatulan ng dalawa ang kontrobersya sa kanila.
Mukhang imbudo (as in imbiyerna) talaga si Angelica Panganiban sa leading lady ni Derek Ramsay na si Gretchen Barretto dahil maging sa Banana Split ay pinatatamaan niya ang aktres sa segment na NNNN.
As Crissy (name ni Angelica sa NNNN spoofing Kris Aquino sa SNN), sinabi niyang si Gretchen daw ang dapat tawaging “tita” at dapat daw magbigay ng respeto sa mas matatanda sa atin.
Matatandaang nagsimula ang pagkaimbiyerna ni Angelica nang ma-interview nang magkasabay sina Gretchen at Derek tungkol sa aksidenteng nahubaran si Greta sa set ng Magkaribal.
Sa naturang interview, makikita nga naman kasi si Greta in a flirtatious mood at talagang hinaharot si Derek.
Pero sa mga nakakakilala sa aktres, iisipin mong ganu’n naman talaga si Gretchen ever since — pilya at mapaglaro.
Dahil sa naturang panayam, sumagot daw si Angelica sa kanyang Twitter account ng “Mataray…single ka ’teh?” na ang pinatutungkulan umano ay si Greta.
Nasundan pa ang iringan ng dalawa nang magsagutan sila sa kanilang separate interviews sa The Buzz last Sunday.
At mukhang ayaw paawat ni Angelica dahil maging sa Banana Split nga ay nagpatutsada rin siya.
Naaaliw lang kami sa patutsadahan ng dalawa at gusto naming hintayin kung hanggang saan makakarating ito.
Hopefully, hindi ito makasira sa relasyon nina Angelica at Derek dahil kapag nangyari ito, sila lang dalawa ang talo dahil nagpadala sila sa pagluluka-lukahan ni Greta.
Kung kami ang tatanungin, wrong move for Angelica na patulan ang kalukahan ni Greta but at the same time, naaaliw kami sa kanyang pagseselos.
Definitely, makakatulong ito sa promo ng bagong serye nina Greta, Derek at Bea Alonzo na Magkaribal.