Angelica Panganiban handang makipaghiwalay kay Derek Ramsay

    394
    0
    SHARE
    Maingay na naman sa ngayon ang relasyon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban. Paano naman kasi, magkasama ang dalawa sa movie na isa rin si Gabby sa mga bida. Kumbaga, ngayon pa lang, umaalagwa na’ng mga inimbentong publisidad sa kanilang relasyon.

    Isa sa mga intriga ay nagkakalabuan na naman diumano ang magkasintahang sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Ikinukonek kasi ng iba ang balita na nakikita raw madalas si Derek na may sinusundo na ibang girls sa Ateneo. Tuloy, nakukuwestiyon ngayon ang loyalty ni Derek as a boyfriend kay Angelica.

    Hindi naman daw affected Anmgge at  si ipinagtanggol pa nito ang kanyang boyfriend.

    “Regarding the issue na nagkakalabuan kami at may sinusundo daw siyang mga girls, hindi ko alam kung paano ako magre-react. Nung una kasi, hindi ko naman napanood yun. Nung sinabi niya sa akin na may interview daw siya, nagtanong ako kung bakit may ganung issue na naghiwalay kami at hindi ko alam na may mga sinundo pala siya.

    Alam ko naman na may barakda siya, like sila Gary, mga teammates niya sa frisbee. After class ng mga barkada niya, sinusundo niya, pumupunta sila ng Meralco para maglaro, and alam ko yun,” lahad ni Angelica.

    Sa kabila nito, sinabi rin ni Angelica na kung sa huli ay mauuwi pa rin sa paghihiwalay ang kanilamg relasyon, matatangap niya raw ito nang buo sa kalooban niya.

    “Siguro kung mangyari man yun, it only means na hindi talaga kami para sa isa’t isa. Ganun ang buhay, e. Alangan naman na mag-sad-sadan ako? Siyempre, mahe-hurt ako, masasaktan, pero ganun, e. Kami ni Derek, okay kami, wala kaming problema,” diin ni Angelica.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here