Angelica Panganiban handa nang mag-frontal nudity?

    718
    0
    SHARE
    Buong tapang na inamin ni Angelica Panganiban na puwede pa niyang higitan ang ginawa niyang daring scenes sa I Love You Goodbye at puwede siyang umabot sa puntong frontal nudity pero may kundisyon.

    “Kung maganda naman po ’yung ibibigay sa akin, kung kabisado ko ang mga taong hahawak sa akin, I mean kung, alam mo ’yun, kung si Direk Laurice (Guillen, direktor ng I Love You Goodbye) lang ang gagawa nu’n, ba’t hindi?

    “Kasi, ako kasi, naging kumportable ako sa shower scene ko kasi nandu’n si Miss Lee (Meily, cinematographer) na nakasama ko rin sa Santa Santita (Angelica’s launching film), si Direk Laurice, and kami lang talaga ’yung nasa loob ng set.

    “So, wala na akong…alam mong aalagaan ka, eh, so bakit ako magdududa sa kakayahan ng dalawa? Bakit ko tatanungin ang kakayanan nila para gawin itong ganitong klaseng eksena? Baka nga sila pa ang kuwestiyunin ako kung ano ang kaya kong gawin, ’di ba?” buong ningning na pahayag ng young actress.

    Maging ang mga Star Cinema people nga ay tuwang-tuwa at puring-puri si Angel dahil wala talaga itong kiyeme pagdating sa daring scenes lalo na nga ang shower scene nito at ang beach scene with Derek Ramsay.

    “We’re very proud of Angelica, kasi pagkatapos ng A Love Story (with Aga Muhlach), ibinigay namin sa kanya ito, so parang siya lang talaga ang nakakagawa ng comedy, drama, sexy and ’yung ganu’n ka-daring sa liga niya. Para siyang si Drew Barrymore, eh. Siya lang ’yung child star na nakatawid kung baga,” sabi ni Roxy Liquigan, Star Cinema AdProm director.

    Next year naman ay gugulatin tayong lahat ni Angel sa kanyang bagong soap na Rubi kung saan ay bida-kontrbida ang role niya at base sa trailer, bagay na bagay sa kanya ang karakter niya, in fairness.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here