Angelica Panganiban denies John Lloyd Cruz and John Prats

    347
    0
    SHARE

    Halata kay Angelica Panganiban na may pinagdadaanan pa rin siya sa napanood naming panayam sa kanya ng The Buzz aired last Sunday. Malungkot ang mga mata at boses niya’t kahit ngumingiti, makikita mo ang kalungkutan deep inside.

    Kilala si Angelica as babaing bakla at mahilig sumasagot ng mga kaokrayan sa tuwing iniinterbyu siya.

    Pero nakaraang panayam nga sa kanya ng Buzz, noon lang namin nakita ang aktres na seryoso at medyo down ang mood. In fairness, makikita mo namang sinasagot niya ang mga tanong as honest as she could.

    Nahingan siya ng pahayag tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang John Prats and Bianca Manalo at sey niya, malinis naman daw ang konsensiya niya kaya hindi naman siya nasasaktan sa isyung ito.

    “Nakakalungkot lang kasi bata pa lang ako, kaibigan ko na si John. Pangit na bigyan ng ibig sabihin, ng malisya.”

    Natanong din ang aktres tungkol sa pagkaka-link niya ngayon kay John Lloyd Cruz at ang latest tsika nga ay nakikita raw siya sa condo ng aktor at sighted din sila umano sa mga bars na magkasama.

    “’Yun nga, eh, parang lahat ng kaibigan ko… hindi ko naman masisisi ang mga tao kasi pwede na siyang bigyan ng meaning ngayon, eh.

    Kasi kung dati ito nangyari, hindi ito mabibigyan ng meaning kasi in a relationship ang mga tao no’n. Eh, ngayon naman, hindi na, so, pwede na siyang bigyan ng kulay.

    And hindi ko naman hawak na ’yun, eh, kung ano ang gusto nilang isipin,” sey niya.

    Pero mahigpit niyang pinabulaanan ang tungkol sa tsismis na nakita silang magkahawak kamay at naghahalikan ni Loydie.

    “’Yun ang medyo imposible naman na mangyari, hindi na ako ’yun.  And hindi ko naman lubos maisip na gagawin ko ’yon. Eh ganon ang mga tao eh. Kung may gusto silang i-push, ipu-push nila.

    “Kung du’n sila magiging happy, I’m happy for them na nakakagawa sila ng ganyang klaseng intriga, ng ganyang klaseng issues, nakakabuo sila. And kung na-fulfill nila ’yung happiness nila sa paninira ng ibang tao, then good, ’di ba?

    “Lahat naman ng bagay may kapalit, eh, and naniniwala ako na maganda ang kapalit nu’n sa akin,” she said.

    Hindi rin daw totoo ang espekulasyon ng iba na part lang ng promo ng movie nila ni Loydie ang pagkaka-link nila.

    “Hindi naman ako naging ganu’n, hindi ko naman kayang maging ganu’n ka-showbiz na tao,” sey niya.

    When asked kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Loydie, aniya ay matagal na silang magkakilala at magkaibigan.

    “Ang hirap lang bigyan ng ibig sabihin, mahirap bigyan ng kulay. Kung ako ang magbibigay ng kulay, baka mag-iba, so, hayaan muna natin. ’Di ko alam kung ano’ng meron bukas. Matulog muna tayo ngayon, bukas baka iba na or hindi ko alam.

    “Kung meron man akong natutunan, ang natutunan ko ’yung ma-appreciate kung ano’ng meron ngayon, hindi ako mag-e-expect ng kahit na ano kasi masakit ’yon. So day by day lang. Dahan-dahan ako.”

    Gaano kaespesyal sa kanya si John Lloyd?

    “Wala, wala naman kami sa gano’ng level, hello! Nagtatrabaho lang kami. Sa ngayon, hanggang du’n pa lang ’yun, magkaibigan lang kami. ’Yun lang ’yun.

    “Kung magiging espesyal siya, makikita n’yo, malalaman n’yo, ’di ba? Kung magiging matalik kaming magkaibigan, eh, ’di magiging special siya. Pero sa ngayon… grabe, huwag naman ganu’n, nakaka-conscious naman, may meaning agad, huwag naman.”

    When asked kung may pinagdadaanan pa ba siya or naka-move-on na siya, sagot niya, “ayos lang, ayos lang, steady lang ako.”

    Pero aniya, hindi naman daw maiwasang hindi masaktan pero mas maganda raw siyempe ang mag-move-on at ang mas maliwanag sa kanyang isip ngayon ay ang kanyang future.

    Inamin din niyang pagod na pagod pa ang heart niya ngayon kaya hindi pa raw siya handa na pumasok agad in a relationship.

    Sa ngayon ay happy memories na lang daw ang iniisip niya about the past at hindi niya inisisip ang malulungkot.

    “Alam ko namang magiging okey ako. I think, okey naman na ako,”  pagtatapos niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here