Hindi kami naniniwala na may gap sina Cristine Reyes at Angelica Panganiban dahil nakita naming nagba-bonding sila at kumakain sa isang dressing room kasama sina RR Enriquez at Pokwang habang nagte-taping ng Banana Split.
“Walang away sa Banana Split. Lahat kami magkakaibigan. Si Angelica super close kami niyan. Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami iniintriga. Sobrang open kami sa isa’t isa, naglolokohan kami. Pumunta siya one time sa bahay ko, ang saya naming dalawa. Pero siguro hindi natin maiiwasan ang mga intriga, part ng showbiz ‘yan. Basta ang importante okay kaming dalawa,” sambit ni Cristine.
‘Yun na!