Angelica Panganiban ayaw gamitin ni John Lloyd sa publisidad

    325
    0
    SHARE

    Sa exclusive taped interview ni John Lloyd Cruz sa The Buzz last Sunday, inilabas ng aktor ang nararamdaman hinggil sa mga intriga at kontrobersiyang lumalabas about him lately.

    “Nakakatawa minsan kapag nakakarinig ka sa ibang tao, as if alam nila kung ano ’yung pinagdadaanan mo, (as if), alam nila kung ano ’ung pinagdadaanan n’yo,” simula niya.

    “Grabe, all out, give na give sa pagbibigay ng komento, ng opinyon. Hanggang sa punto na kung ano ’yung perception nila, kung ano ’yung opinyon nila, unti-unti, tumatagal, nabubuo, ’yun na ’yung totoo sa kanila.

    “Nakakatawa lang. Nakakatawa na minsan nakakairita, minsan nakakapikon, but mostly nakakatawa.”

    Ayon sa aktor, mukhang nakakalimutan daw ng mga taong nagbibigay ng opinyon na hindi naman sila parte ng buhay ng mga artista at hindi alam kung ano ang totoong nangyayari.

    “I mean, ano ang alam ninyo para makabuo kayo at makapagkalat kayo ng opinyon n’yo?” sey pa niya.

    Alam naman daw niya na everybody’s entitled to his/her own opinion, pero sana naman daw ay hinay-hinay lang sa pagbibigay ng komento.

    “Ang tao, ang daling magbigay ng kanilang judgment. Dahan-dahan lang. Ang totoo kasi, wala ka namang pinanghahawakan,” he said.

    Nang itanong ni Boy Abunda kung ano ba talaga ang tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban at sa kontrobersyal na Instagram pictures, wala pa ring malinaw na sagot ang aktor.

    But for the first time, kahit paano ay nagsalita siya about it.

    “For something this special, hindi sa umiiwas ako, hindi sa ayoko siyang pag-usapan. Never kong gugustuhin na maramdaman niya (Angelica) ’yun — na hindi ko siya pina-prioritize.

    “It’s just that, ang pinanggagalingan ko, for something this special, ayoko siyang isabay sa promo ng pelikula ko (The Mistress).

    “It deserves a better timing. Hindi naman tanga ang manonood. Wala po akong sinasabing iba, ang sa akin lang, ’yung sa amin (ni Angelica), gusto kong bigyan ng pagpapahalaga na sa tingin ko ay karapat-dapat para sa amin,” pahayag ni Lloydie.

    Nirespeto naman ’yun ni Kuya Boy, kaya for his last question, tinanong na lang niya ang aktor kung masaya ba ito.

    “Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya… tagal, tagal,” he said.

    Well, need he say more?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here