MAY BAGONG ii-spoof na programa na naman ang Banana Split at ito ay ang bagong talk show nina Boy Abunda and Kris Aquino na magsisimula this Monday — ang Aquino & Abunda Tonight.
Of course, si Jayson Gainza ang mag-i-impersonate kay Kuya Boy at si Angelica Panganiban naman kay Kris.
Tiyak na riot na naman ito. Speaking of Angelica P., aminado ang aktres na mahirap para sa kanila ni John Lloyd Cruz ang magkasama sa isang proyekto ngayong magkarelasyon na sila in real life.
Nagkasama na sila dati sa isang pelikula pero nu’ng time na ’yun ay hindi pa sila. Ngayon ay tila mahirap na raw maulit ’yun. “Medyo mahirap kasi, masyado na kaming familiar sa isa’t isa. So, mahirap pagsamahin talaga ’yung trabaho saka ’yung personal, eh, ’di ba?
“Baka maging showbiz ang relasyon namin so hindi namin siya (ang pagsasama sa isang project) kinu-consider.
“Sayang nga lang dahil once ko lang siya nakatrabaho eh gustung-gusto ko na siya makatrabaho dati pa. Eh, ngayon, parang hindi na siya mangyayari.
“Pero masaya naman ako dahil siya ang nakatuluyan ko, ’di ba? Mas gusto ko naman ’yun,” say ni Angelica.
Samantala, natanong na naman ang aktres tungkol sa marriage at say niya, hindi naman daw totoo na next year na nila balak magpakasal.
Although nasabi niya noon na at the age of 28 ang ideal age sa kanya to get married, aniya ay ideal age lang daw ’yun but it doesn’t mean na kailangan niyang magpakasal pagdating ng 28. Angelica is 27 years old now at ’yun marahil ang dahilan kung bakit marami ang nag-iisip na next year na siya mag-aasawa.
Samantala, inayunan naman ni JLC ang sinabi ng girlfriend na mahirap nga na magkaroon sila ng proyekto together. “Mahirap naman talaga kasi paghaluin ang personal sa trabaho. Parang hindi ko siya talaga maarok.
Hindi talaga ano, eh. Parang para sa akin, I almost don’t see it as a positive (move),” he said.