Lubhang mapalad ang Lungsod ng Angeles
Sa pagkakaroon ng isang mayor Ed
Na talaga namang masasabing ‘The best
Local executive the City ever had’
Sapagkat ‘in terms of accountability’
Ay tunay naman ding siya’y kapuripuri
At kahit kanino, maipagmamalaki
Ang kanyang pagtupad ng ‘official duty’
Kaya naman hayan, sa ngalan ng Siyudad
Ay di lamang “Seal of Good Housekeeping” award
Ang kay mayor EdPam itong naigawad,
Kundi pati na ang ‘prestigious’ at tanyag
Na katawagang “Man of the Year” ay kanyang
Nakamit ng walang pag-aalinlangan
Ng dahil na rin sa di matatawarang
Pagiging mapuri bilang ‘public servant’
Na kung saan tunay namang ang pag-ganap
Ni Pamintuan bilang ika nga’y city Dad
Ay tunay naman ding maihalintulad
Sa isang typical na amang malingap
At may malasakit sa kanyang pamilya
Kung kaya ang lahat na ng makakaya
Para sa kanilang kagalingan tuwina
Ang siyang palagi na nitong inu-una.
(Na lubhang malayo sa nakararami
Nating lingkod bayan sa puntong nasabi,
Sapagkat ang iba ay mas ‘priority’
Nila malimit ang para sa sarili).
At maging sa kapwa niyang nasa gobyerno
Ay bukas palad siya sa pagtulong nito
Kailanma’t kailangan at di sa kung ano
Ang posibleng sukli bilang pulitiko.
Sapagkat gaya ng pag-abot ng tulong
Ni EdPam sa mga biktima ng Ondoy
At binaha pati sa bayang San Simon,
Ay masasabi bang pangangampanya ‘yon?
Liban sa ibang lugar na tinulungan din
Ni Mayor sa Bicol nang sila’y bagyuhin,
Yan ay di rin naman pihong maituturing
Na ‘campaign sorties’ riyan ng idolo natin.
Kundi bagkus sa ‘ting sariling pananaw
Ay masasabi po nating ya’y pagtanaw
Marahil ng utang na loob ni Mayor,
Nang sila ang nasa gipit noong araw.
Gaya ng biglaang pagputok at sukat
Ng Mt. Pinatubo, na di lamang sindak
At hinagpis ang idinulot sa lahat
Ng naapektuhan sa bayan at siyudad.
(At kung saan muntik na sanang mabura
Sa mapa ang lalawigan ng Pampanga
Kundi ng dahil sa lubhang maagap na
Pagtutol ni Oca, na kumpare niya);
Na di magkalayo sa uri’t prinsipyo
Ng napakahusay na pangungobyerno,
Kaya naman lahat ng kanilang plano
Para sa ‘twin cities’ pawang epektibo.
At posibleng higit sa inaasahan
Ng magkumpare sa Siyudad na naturan,
Di maglalaon ay pihong makakamtan
Ng dalawang lungsod pagdating ng araw.
Pagkat tunay namang si EdPam at Oca
Ay sadyang taga-sa-panahon ika nga,
At kahit marahil sa silyang pambansa
Sila ay parehong magiging dakila!