“Awkward kasi ‘di ba nasanay kami na kapag gagawa ng love scene medyo patapos na ‘yung storya, eh ito umpisa pa lang mayroon na. So kami ni Sam dinadaan na lang namin sa biro kasi ang lamig-lamig pa noong time na ‘yun tapos naka-comforter lang kami. Buti na lang ito alam namin na nagwo-work lang kaming dalawa so tinanggal namin ‘yung ilang factor pero mayroon pa ring kaunti talaga eh, di mo maaalis. Ako ha, di ako makakapagsalita for Sam, pero ako tina-try ko magpaka-pro talaga roon,” kuwento ni Angel.
Si Sam nakatrabaho ko na siya sa MMK so, kahit paano alam ko na kung paano siya magwork, kung paano ‘yung ugali niya kasi after noon nag-uusap-usap kami. Pero rito napatunayan ko as in genuinely nice siya talaga,” deklara pa ni Angel.